Chapter 12 ALINA KATE POV HINDI AKO MAKATULOG kaya naman ay naglinis na lang ako ng kwarto ko. Hindi ko alam kung gising na ba si tito Conrad. Malinis naman ang kwarto dahil pinapalinis pala ni tito everyweeo kaya medyo malinis pa. Pero nilinis ko ulet para lang may gawin lang ako. Ang boring dahil wala akong cellphone kaya hindi ko makontak ang mga kapatid ko. Kamusta na kaya sila? Minamaltrato kaya sila ni mama? Sana naman ay hindi dahil kawawa ang mga kapatid ko. Nang matapos maglinis sa loob ng silid ko ay lumabas ako saka sa labas ng kwarto ako naglinis. Nag-walis ako ng sahig at nagpunas ng mga furnitures. Hindi naman gano'n kalaki ang bahay kaya hindi mahirap linisan. Dalawang kwarto, medyo malaki na salas at kusina. Hindi ko alam kung kay tito Conrad ang bahay na ito. Pero ku

