Chapter 41 ALiNA KATE POV HINDI AKO MAKATINGIN KAY tito habang sakay kami ng taxi at hindi ako mapakali. Madilim at masama ang mukha nito na tila galit. Nag-taxi kami pauwe at iniwan niya ang motor sa bar kung saan niya ako nakita. Hindi ko akalain na magkikita kami do'n. Samantalang ang layo no'n sa bahay pati na sa sabungan. Nagulat na lang ako ng pagmulat ko ng mga mata kanina ay nakita ko siya habang sinusuntok niya ang lalaking nakaalitan namin ni Santi. Hindi ko alam kung umuwe na ba si Santi ngayun. Iniwan kona siya dahil hinila na ako ni Tito Conrad palabas ng bar. Natigilan ako at napalingon kay tito ng magsalita ito na tila pinipigilan ang galit niya. " Bakit nasa bar ka? Diba dapat nasa bahay kana? At wala sa bar. Kasama mo pa talaga ang lalaking 'yun?" Nagngangalit ang pa

