Chapter 09 ALINA KATE POV GUMISING AKO NG MAAGA dahil mag-aaply ako ngayun at mauubos na ang pera na binigay samin ng kumpare ng papa ko. Kaya naman mag-aaplay na ako bago pa maubos iyon. Mas lalo kasing lumala ang mama ko dahil sa tuwing natatalo siya sa sugal ay kami ang pinagbabalingan niya. " Saan ka punta ate?" Napalingon ako kay Danaya ng marinig ang boses niya. Kagigising niya lang dahil maaga pa naman ngayun. Maaga kami maghahanap ng work ni Marian para maaga rin kami makauwe. Si Elena kasi may trabaho kaya lang wala na silang bakante ng magtanong ako sa kanya. " Maghahanap ng trabaho. Dito lang kayo sa kwarto at wag kayong tatambay sa baba kapag nandito ang boyfriend ni mama." Wika ko saka lumapit sa bag ko at kinuha ang pitaka saka kumuha ng 200 para sa pagkain nila. Hindi

