Chapter 53 ALiNA kATE POV TINATAWAG NA AKO NI TITO dahil aalis na kami at papasok pa ako sa school. Naglilip-stick pa ako at bigay iyon sakin ni Santi dahil mas bagay daw iyon sakin kaya sinubukan ko. At tama siya, bagay nga sakin ang red lipstick. Mas umangat ang kissable lips ko at mas lalo akong gumanda sa lipstick na 'yun. Matapos sipatin ang sarili sa salamin ay kinuha kona ang bag ko saka lumabas ng kwarto. Napatitig naman sakin si tito ng lumabas ako ng kwarto ko. Nagpa-cute naman ako sa kanya habang may ngiti sa labi. Pero si tito parang sumama ang mukha niya saka mabilis na lumapit sakin. " Bakit ka naka-lipstick? Pwede ba 'yan sa school niyo?" Salubong ang kilay na tanong niya sakin. Matamis naman akong ngumiti sa kanya at hindi pinansin ang pagsalubong ng kilay niya na til

