Chapter 87 ALiNA kATE POV KAYA NAMAN PALA PINA-PAPUNTA ang mga nanay sa school ay para bigyan ng award ang mga bata at kasama ang kapatid ko dahil sa pagiging matalino nito sa school. Hindi ako makapaniwala dahil nag-aaral talaga ang mga kapatid ko ng mabuti at hindi nasasayang ang binibigay kung pera sa kanila. " Ang galing naman ng kapatid ko. Mabuti na lang pala at ako ang sinama mo dito at hindi ang magaling nating mama. Hindi niya deserve ang mga ganitong parangal dahil wala siyang kwenta." May bahid na galit na sabi ko sa aking kapatid sa kanyang harapan. Paanong hindi ako magagalit kung mas inuuna pa niya ang lalake kesa sa kapatid ko. Hindi ba siya proud dahil may ganitong parangal ang mga kapatid ko. " Hayaan muna ate. Maiistress ka lang kay mama. Hayaan na lang natin siya."

