Chapter 16 ALiNA KATE POV HINATID AKO NI TITO CONRAD sa lugar namin. Hindi kona siya pinapasok at baka pag-tsismisan kami ng matatabil ang dila. Nakasakay pa naman ako sa motor niya. Malamang pagtsi-tsismisan ako dahil baka isipin nila sugar daddy ko si tito Conrad. " Salamat po." Sabi ko ng makababa na ako mula sa motor. Tumango naman siya habang nakatingin siya sakin. " Mag-iingat ka mamaya. Alis na ako." Paalam nito sakin saka pinaandar na ang motor nito palayo. Napabuntong hininga naman ako ng malalim saka naglakad na patungo sa bahay namin. Pinagtitinginan naman ako ng mga tsismosa sa lugar namin na tila may ginawa akong masama kung tumingin. Ganito naman sila. Then may hindi nakatiis at lumapit pa siya sakin. " Uy, Alina. Mabuti umuwe kana. Ang sabi ng mama mo sumama ka daw s

