Chapter 39 CONRADO POV NATIGILAN AKO DAHIL MAY nagdo-doorbell sa labas ng bahay kaya naman ay lumabas ako para tignan kung sino ang nagdodoorbell. Pagdating sa tapat ng gate ay binuksan ko agad ang pintuan at nakita ko si Jaylord sa labas. " Bakit?" Kunot ang nuo na tanong ko sa kanya. Tapos na ang trabaho niya para pumunta sa bahay ko. Ngumiti naman sakin ang animal at mukhang mangungutan na naman. " Eh, boss may naghahanap sa alaga mo. Kaklase niya daw." " Sino?" Masama ang mukhang tanong ko sa kanya. Tinuro naman nito gamit ang kamay niya. Tinignan ko naman kung sino ang naghahanap kay Alina. At nakita ko isang binata habang nakasandal sa kotse nito na tila may inaantay. " Siya ba?" May bahid na inis na tanong ko sa kanya. " Oo boss. Mukhang mayaman. Ang ganda pa ng sasakyan oh."

