Dahil alam ko na may labanan paglabas namin sa school dumaan mo na ako sa library dahil may secret room ako na kahit mga kaibigan ko ay hindi alam ito. Masyado ka namang nagmamadali na mawala ako sa mundong ito Brenda. P'wes hindi ko hahayaan na magtagumpay ka. Sisiguraduhin ko na hindi ka aabot sa kulungan dahil ako mismo ang magdadala sa iyo sa impyerno. Pagpasok ko sa secret room kinuha ko kaagad ang mga kailangan ko ipinusod ko ang aking buhok at doon isiniksik ang mga lason na mismong gawa ko at halos hindi makita sa sobrang liit at nipis nito. Habang ang maliit ko na baril ay nakasiksik sa aking boots kasama na ang patalim. Habang naglalakad ako pabalik sa mga kasama ko tinawagan ko si Doc. Silva para sabihin na malalate ng konti ang dating dahil may mga asungot pa ako na haharapi

