Alexandria's POV "STOP IT!" Natigil ang sanang akmang pagsugod ni Krishna sa akin nang marinig ang boses ng kapatid. Tumingin pa muna si Krishna sa akin na akala mo ay kakainin ako ng buhay bago hinarap ang nakababatang kapatid na noon ay diretso ang tingin sa akin. "Gising ka na pala, Cy. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Krishna habang naglalakad ang lalaki papalapit sa kinaroroonan ko. "I'm fine. Don't worry, Ate," sagot niya sa nakatatandang kapatid habang ang paningin ay hindi inaalis sa'kin. Mga kampon ni Satanas! isip-isip ko. "Kumusta, Alexandria? Please, forgive my sister. She's harsh somtimes," aniya nang makalapit at saka lumuhod para magpantay ang aming mukha. Matapos ay inangat n'ya ang kanang kamay at hinaplos nang marahan ang pisngi ko. Pinahid pa niya ng hintuturo

