28

1641 Words
Heinz's POV SA DISG ako dumiretso pag-galing sa bahay ng mga Saavedra dahil nakatanggap ako ng tawag mula kay Mr. Dominguez na mayr'on kaming importanteng pag-uusapan. Agad kong ipinarada ang motorsiklo pagdating ko sa parking lot ng gusali. Pagkatapos ay tinanggal ko ang helmet at ipinasok iyon sa compartment nito. Lakad-takbo akong nagtungo ng lobby dahil ang bilin ni Mr. Dominguez ay emergency daw ang meeting na ito. Sumakay ako nang elevator at pinindot ang 5th floor kung saan naroon ang opisina ni Mr. Dominguez. At ilang saglit pa nga ay narating ko na iyon. Kumatok muna ako bago tumuloy sa loob. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang personal assistant ni Mr. Dominguez na si Clarissa. "Good afternoon, Sir Alvarez. Mr. Dominguez has been waiting for you," nakangiting saad niya sa'kin. Ngumiti lang ako rito at tumango bilang sagot, pagkatapos ay dumiretso na ako sa private office ni Mr. Dominguez. Naabutan ko siyang abala at tila may pinipirmahang mga papeles. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Good afternoon, Mr. Dominguez," bungad kong pagbati sa big boss ng DISG. Nag-angat naman ito ng paningin at hininto ang ginagawa nang makita ako. "Come in, Mr. Alvarez. Please have a sit," utos nito at agad naman akong tumalima. Naupo ako sa swivel chair na katapat ng mesa niya. Pinanood ko munang ayusin ni Mr. Dominguez ang nagkalat na papeles sa mesa niya at inilagay sa isang tabi. Pagkatapos ay may inilabas siyang isang white folder mula sa drawer at inilapag sa harapan ko. "You have a new mission Mr. Alvarez," ani Mr. Dominguez. Nakasandal siya sa swivel chair at marahang minamasahe ang sentido. Bagong misyon? Nagtataka man ay agad kong dinampot ang folder at binuklat iyon. At gayon na lamang ang pangungunot ng aking noo nang mabasa kung ano ang nilalaman niyon. Pagkatapos ay muli akong bumaling kay Mr. Dominguez ng nagtatanong. "Mr. Rodrigo Montemayor is a big time drug dealer, here in Metro Manila. Hindi lang iyon, may mga business partner din siyang mga foreigners kung saan nangangalakal ng mga babae, upang ipagbili sa ibang lahi para gawing s*x slave," tuloy-tuloy na paliwanag ni Mr. Dominguez. "And Mr. Chen, he's one of his business partners. Sa ngayon, iyon lamang muna ang hawak nating impormasyon. Subalit duda akong iyan lamang ang mga illegal activities ng tiwaling Mayor," dagdag pa nitong bakas ang disgusto sa taong pinag-uusapan. Aaminin kong nagulat ako nang malaman ang mga ito. Si Mr. Montemayor, na kilalang mayaman at isang politician ay sangkot sa ganoon kalaking illegal activities. Hindi ko pa nakikita ito nang personal. Maging ang unico hijo nito na si Cyrus Montemayor ay hindi ko pa rin nakikilala. Ngunit kilala at matunog ang mga Montemayor sa lalawigang sakop ng mga ito dahil sa angking yaman. At dahil na rin sa matagal ng pinamumunuan ng matandang Montemayor ang lalawigang iyon kung saan kasalukuyan itong nakaluklok bilang Mayor. Ang nag-iisang anak naman nito na si Cyrus ay napag-alaman kong konektado sa mga Saavedra dahil ang batang Montemayor pala ang fiancé ni Alexandria. Ngunit ayon kay Raiko, ilang buwan na ding hindi nagkikita ang mga ito. Sa pagkakaalam niya, ang huling naging pagkikita ng dalawa ay noong bago mangyari ang pambubugbog kay Alexandria. Walang nakuha ng impormasyon si Raiko kung nagkaroon ba ng alitan ang dalawa kung kaya't hindi nagkikita ang mga ito. 'Di kaya may kinalaman ang Cyrus na ito sa nangyari kay Alexandria? Bigla akong kinabahan sa naiisip, dahil hindi nga malayong mangyari ang iniisip ko. Dahil ngayong alam ko na ang totoong kulay ng mga ito ay hindi imposibleng gawin iyon ng Cyrus na 'yon. Ngunit palaisipan sa akin kung ano ang posibleng dahilan upang gawan ng ganoon ni Cyrus ang mapapangasawa niya. Natitiyak kong hindi lamang simpleng pag-aaway iyon kung 'di may mas malalim pang dahilan. Tumingin ako kay Mr. Dominguez. Hindi ako nagpahalata na medyo disoriented ako nang mga sandaling iyon. "So, what's our plan, Sir?" diretsang tanong ko rito. Tumikhim muna ito na tila ba nag-aalis nang bara sa lalamunan. "Ikaw ang in-assign ko sa misyon na ito dahil unang-una ay konektado ito sa nauna mong misyon. Ito ang isa sa pinakamalaking misyon na mahahawakan ng ating kumpanya. At lubos ako'ng nagpapasalamat dahil tayo ang isa sa mga pinili nila upang makatuwang sa big time operation na ito. And, so I chose one of the best agent in my company and that's probably you," may himig pagmamalaki pang turan nito. "It is an honor for me, Mr. Dominguez," tipid ang ngiting saad ko rito. "At ang PDEA at NBI ang katuwang natin sa misyon na ito. Kasama natin sila dahil malaking operasyon ang kailangang isagawa. Maraming koneksyon ang mga Montemayor. Iba't-ibang pulitiko na pawang kilala at mayayaman ang kasabwat nito. Pati na rin sa mga Kapulisan ay may koneksyon ito kaya hindi basta-basta'ng tao ang ating babanggain, Mr. Alvarez. At isa pa pala, makakasama mo rin ang ating mga mga piling tauhan para sa misyon," ani Mr. Dominguez. "Kailan natin uumpisahan ang misyon Sir?" agad na tanong ko rito. "As soon as possible. Actually, ikaw na lang talaga ang kailangan para maumpisahan ang operasyon. Pagsang-ayon mo na lang ang kailangan. You see? Hindi ka paghihinalaan ng mga Montemayor dahil malinis kang nakalapit sa fiancé ng anak nito. All you have to do is continue what you're doing while getting important information about Montemayor's. Alam mo na ang gagawin mo, Mr. Alvarez," seryosong turan nito sa'kin. Mabilis ako'ng tumango, "Okay sir. I will accept this mission. At ipapakita kong hindi kayo nagkamali sa pagpili sa akin. I will do the best I can for the successful of this mission." Tumango naman ito at tipid na ngumiti. "Good. I will trust you, Mr. Alvarez," sabay abot nito ng palad upang makipag-kamay. "Naniniwala ako'ng magiging matagumpay ang misyon na ito. You may leave now," dagdag pa nito. "Thank you, Mr. Dominguez," sagot ko rito pagkatapos ay tumayo na at mabilis na lumabas ng opisinang iyon. ---- Alexandria's POV "ALEX, BABY! I miss you!" 'Tangna talaga! Narinig ko na naman ang bunganga nito'ng hapon na 'to!' Nakasimangot ako habang naghuhubad ng helmet at gloves habang papalapit si Seiichi sa kinaroroonan ko. Agad itong umakbay at hindi alintana ang pag-lukot lalo ng mukha ko. "Gago ka! Nakaakbay ka pa! Pwede pakitanggal? Allergic ako sa Hapon eh," asik ko sa kaniya. Agad naman nitong tinaggal iyon at ngumiti nang alanganin sabay kamot sa ulo. "Ang sungit mo pa rin. Akala ko napuruhan ka sa ulo nang mga hayop na iyon at paggising mo, mahal mo na pala ako," nakangusong saad nito sa'kin na animoy isang bata. Lakas talaga ng sayad! "In your f*****g wet dreams!" pang-aalaska ko sa kaniya. Lalo namang nanulis ang nguso nito at sumama ang mukha. Hindi ko na pinansin ang 'drama' nito at nauna na ako'ng naglakad papunta sa bench. Ito naman ay nakasunod sa likod ko at bumubulong na tila ba nag-oorasyon. Tumingin ako aking wrist watch, 7:30PM. Kalahating oras pa para mag-umpisa ang karera. Tamang-tama, makakakain pa 'ko! Umupo si Seiichi sa tabi ko at hindi matapos-tapos ang sinasabi ngunit naagaw ang atensyon ko ng sumeryoso ang mukha nito habang nakatingin sa'kin. "I'm glad you are fine now, babe. I am so sorry, sobra ako'ng nagsisisi kung bakit 'di kita naihatid no'n bago ka maaksidente. Wala talaga ako'ng kwentang kaibigan sa'yo. Kapag kailangan mo ng tulong, lagi ako'ng wala sa tabi mo. Damn it!" aniya na bakas sa mukha ang matinding pag-sisisi at galit. Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at ibinaling sa iba. "Hanggang kailan mo ba sisisihin ang sarili mo, Seii? It's not your fault okay? Nagkataon lang na tinamaan ako nang magaling pero wala ka," pangungumbinsi ko pa. Nakita kong nagkuyom ito ng kamao na para bang tinamaan ko ang ego niya. Ngunit maya-maya lang ay lumambot ang ekspresyon niya at napalitan ng lungkot. "'Yon nga ang mahirap, Alexandria! Nangako ako na lagi ako'ng nasa tabi mo... But what the f**k is this? Hindi man lang kita naprotektahan..." puno nang lungkot na sambit pa niya. Bumuntong-hininga na lang ko habang nakikinig. Minsan talaga, este, madalas pala, o.a ang isang 'to, bulong ko sa sarili. Nang maaksidente kasi ako ay panay ang hingi niya nang paumanhin sa akin. Sinisisi niya din ang sarili dahil hindi raw niya ako nasaklolohan gayong ilang metro lang naman ang pinangyarihan nang insedente sa bar. Sa akin naman ay hindi isyu iyon. Wala namang may gusto na mangyari ang insidente na iyon sa akin. "But I will promise to you babe, I will do my best para mahuli kung sino man ang may utos na gawin 'yon sa'yo. And when I found that bastard, I will make sure na mas masahol pa sa ginawa nila ang matitikman nila!" seryosong saad nitong madilim ang mukha. Nakakuyom rin ang kamao niya at nag-iigtingan ang panga sa galit. Napailing na lang ako sa sinabi ni Seiichi. 'Alam ko na kung sino siya Seii. 'Di mo na rin kailangan na madamay pa, usal ko sa sarili habang nakatingin dito. Tinapik ko siya sa balikat. "Tama nang monologue mo d'yan Seii. Nagugutom ako, 'di pa ako naghahapunan. Baka mag-collapse ako habang nagmamaneho, ikaw rin..." natatawang biro ko sa kaniya. Pilit kong pinagaan ang sitwasyon. Ayaw ko nang masyado pa siyang mag-isip tungkol doon. Tutal ay tapos na ang nangyaring iyon. Napatingin naman ito sa akin na tila nagtataka. Bumukas rin ang pag-aalala sa mukha. O.A talaga ng taong 'to! Lihim ako'ng natawa sa sarili. "s**t, Alex! Nagugutom ka na pala, hindi mo sinabi agad? Ikaw talaga, ang tigas ng ulo mo," sabay batok nito sa'kin nang mahina. "Sige, wait lang. Pupunta lang ako'ng café," aniya pagkatapos ay mabilis na tumalilis. "'Yong masarap ha?" pahabol ko pang bilin dito habang naglalakad palayo. Itinaas naman nito at kamay at sumenyas nang okay. Napapailing na lang ako habang sinusundan ng tingin ang lalaki papalayo. Thank you, Seiichi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD