34

1411 Words
Heinz's POV NAGISING ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Madali ko iyong kinapa sa side table na malapit sa aking kama at hindi na ako nag-abalang bumangon pa. Pakiramdam ko kasi ay kulang na kulang pa ang aking tulog. Paano ba naman, hindi ako pinatulog nang mga naganap no'ng isang gabi sa pagitan namin ni Alexandria. Kahit nanlalabo pa ang aking paningin dahil sa antok, ay pinilit kong sipatin kung sino ang tumatawag. At bumalikwas ako ng bangon ng makitang si Mr. Dominguez ang nasa caller I'D. Mabilis ko itong sinagot. "Good morning, Mr. Dominguez," namamaos pang bati ko sa kabilang linya. "Good morning Mr. Alvarez. I apologize if I interrupted your sleeping. But I need you in my office now. You have a new client," diretsang saad nito. Awtomatikong napakunot ang aking noo nang marinig ang sinabi ng matanda. New client? Pero alam naman ni Mr. Dominguez na hindi na ako maaari pang tumanggap ng iba pang misyon! Subalit hindi na ako nag-usisa pa tungkol sa sinabi ng matanda at agad akong sumagot. "Okay Sir. I will come immediately." "Okay, see you then, Mr. Alvarez. Goodbye!" pagkatapos ay ibinaba na nito ang telepono. Nang wala na ito sa kabilang linya ay ibinaba ko na rin iyon at mabilis na nag-asikaso. --- "GOOD morning, Mr. Dominguez," agad na bungad ko pagpasok sa private office niya. Prente itong nakaupo sa swivel chair at sa harapan naman niya ay nakaupo ang isang panauhin. Ito marahil ang tinutukoy ni Mr. Dominguez na bago kong kliyente. "Come in, Mr. Alvarez. Please have a sit," bati nito pagkatapos ay iminuwestra nito ang isa pang bakanteng upuan sa tapat ng panauhin. Agad akong tumalima at naupo. Nang balingan ko ng tingin ang babae ay ngumiti ito matamis at tila ba matagal na kaming magkakilala. Nagtataka man sa inasal niya ay ginantihan ko lamang iyon ng tipid na ngiti. "Mr. Alvarez, I want you to meet Ms. Krishna Natividad. She's our new client," pagpapakilala ni Mr. Dominguez sa panauhin. Binalingan ko naman ang dalaga. Tatayo pa sana ako upang pormal na magpakilala rito subalit maagap niya akong pinigilan. "It's okay, Mr. Alvarez. Drop the formality. Besides, nagkakilala na tayo dati kung natatandaan mo," nakangiting turan ng dalaga saka inilahad ang palad. "I'm Krishna Natividad, but you can call me Krishna. It's nice to see you again," dagdag pa nitong may nakapagkit na matamis na ngiti sa labi. Her voice seems familiar pero hindi ko natatandaan na nagkakilala na kami, wika ko sa isipan habang inaabot ang kamay niyang nakalahad. "Pleased to meet you Ms. Natividad," tugon ko at matipid na ngumiti. "And I'm really sorry kung hindi ko matandang nagkakilala na tayo," hinging paumanhin ko pa. Ayaw kong madismaya siya ngunit iyon naman ang totoo. Pilitin ko man ay hindi ko talaga maalala na nagkakilala na kami nito noon. She smile widely. Mababakas rin sa mga mata niya ang pagka-aliw, habang mataman na nakatingin sa akin. "It's okay Mr. Alvarez, kung 'di mo maalala, hindi naman 'yon ang pakay ko sa'yo." So nagkita na nga kami. Pero bakit hindi ko s'ya maalala? tanong ko sa isipan habang pinagmamasdan ang magandang mukha niya. Mukha itong mabait at sopistikada. Ang simpleng knee length na kulay abong bistida niya na halatang mamahalin ay bumagay sa dalaga. Simple lamang itong manamit ngunit elegante. Hindi ko tuloy maiwasang isipin si Alexandria ng mga sandaling iyon. Kung siya ang may suot niyan ay tiyak na mas maganda pa s'ya kaysa sa aking kaharap. . . Tumikhim si Mr. Dominguez kung kaya't bumalik ako sa wisyo. "Mr. Alvarez, Ms. Natividad wants our service. At kaya naman ikaw ang tinawagan ko ay dahil iyon mismo ang gusto ni Ms. Natividad. Kakilala ka raw niya at malaki ang tiwala niya na matutulungan mo siya," paliwanag ng matanda sa akin. Pagkatapos ay binalingan nito ang dalaga. "Shall I continue to explain Ms. Natividad, o ikaw na ang magpapaliwanag kay Mr. Alvarez?" tanong pa ni Mr. Dominguez sa dalaga. Tumango naman ang dalaga at saka matamang tumingin sa akin. "I want you to find my younger sister, Mr. Alvarez. She's been missing for almost two months, and I freekin' don't know how to find her," aniyang bumalatay sa magandang mukha ang lungkot. "Then someone suggested me to hire an agent, para mahanap ang nag-iisang kapatid ko," mahabang paliwanag pa niyang bakas sa tinig ang pag-aalala. Lihim akong bumuntong-hininga. Naiintindihan ko ang nais niya ngunit sa pagkakataong ito, ay hindi ko siya matutulungan. Sapagkat ang aking misyon sa mag-amang Montemayor at kay Alexandria ay isang malaking operasyon. At para maging matagumpay ito ay kinakailangan ng matinding pagpaplano at pokus. Kung kaya't ang isa pang trabaho na aking tatanggapin ay hindi ko na magagawa pa. At alam kong alam iyon ni Mr. Dominguez. Marahil ay kaya niya ako tinawagan ay gusto niyang ako ang personal na magpaliwanag sa babae. Tumango-tango ako bilang simpatya sa sinabi niya. Bahagya din akong ngumiti habang nakatingin rito. Samantalang siya naman ay nakamasid lamang at tila naghihintay ng aking isasagot. Ayaw ko sanang madismaya siya sa pangalawang pagkakataon, ngunit kailangan niyang malaman na hindi ko tatanggapin ang trabaho na ipinapagawa niya. "Naiintinidhan ko Ms. Natividad, ang pag-aalala mo sa iyong nawawalang kapatid, but I'm very sorry, I can't help you. I'm in a special mission right now," hinging-pumanhin ko sa dalaga. Bumalatay ang lungkot at dismaya sa mukha ng dalaga dahil sa aking sinabi. Subalit pilit din itong ngumiti pagkuwan. "It's okay. I understand Mr. Alvarez," tumatangong wika pa niya. "I'm sorry Ms. Natividad, ngunit katulad nga ng naunang sinabi ko sa'yo kanina, may espesyal na misyon si Agent Alvarez na inaasikaso ngayon," segunda naman ni Mr. Dominguez. "But if you'll let me, I will recommend one of my best agent to do the job," maagap na suhestiyon pa nito. Tumango naman ang dalaga at tipid na ngumiti. "Okay, tinatanggap ko Mr. Dominguez, basta mahanap lamang ang aking kapatid," agad na sagot ng babae. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa narinig. Tiyak na mahahanap niya ang nawawalang kapatid dahil nasisiguro kong kay Aki mapupunta ang misyon na ito. Aki is one of the best agent's here in DISG. Ngunit kung suswertehin, baka pati kliyente n'ya ay patusin ng gagong 'to! Lihim akong natawa sa naisip. Knowing Aki, she's womanizer at wala itong pinapatawad maski siguro posteng nakapalda ay papatulan nito. Wala kang pinagkaiba kay Aki. Hindi ba, pati ang anak ng kliyente mo ay pinatulan mo? sumbat ng munting tinig aking isip. Lihim akong napamura dahil doon. Inaamin kong attracted nga ako kay Alexandria ngunit hindi ko hahayaan na maging mitsa iyon upang masira ang misyon. Kaya't buo na ang loob ko na kalimutan ang kung ano man ang nararamdaman para sa kan'ya. "Okay, I'll set another appointment for that Ms. Natividad," ani Mr. Dominguez sa dalaga. "Thank you, Mr. Dominguez. Please do it. I want to find my sister as soon as possible. Baka kung napapaano na siya," pakiusap pa ng dalaga at pagkatapos ay tumayo na. "Excuse me, I have to go Mr. Dominguez. Just call me for the next appointment." Maagap rin akong tumayo upang daluhan ang dalaga. Humingi ulit ako ng dispensa rito dahil sa hindi ko pagtanggap sa trabahong ibinibigay niya. Marahan lamang itong umiling at ngumiti ng matamis. "It's okay Mr. Alvarez, I understand," nakangiting saad ng babae. "Pakihatid mo na si Ms. Natividad hanggang sa lobby, Mr. Alvarez," baling nito sa akin. Tumango naman ako. "And thank you for coming, Ms. Natividad. Agad akong tatawag kapag nai-set na ang appointment." "Okay, see you then Mr. Dominguez," anang dalaga. Mabilis ko namang binalingan at inalalayan ang dalaga sa pagbukas ng pinto. Nang makapagpaalam ako kay Mr. Dominguez ay tuluyan na rin akong lumabas ng opisina nito. Naglalakad kami ng dalaga sa hallway ng magsalita ito. Bumaling pa siya sa akin saka ngumiti. "Mikael if you're free, can I invite you for lunch?" matamis ang ngiting anyaya niya na ikinagulat ko. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag niya sa pangalan ko. Siya lamang kasi ang tumawag sa'kin ng ganoon. Siguro nga'y matagal na kaming magkakilala. . . wika ko sa isipan habang nakatunghay sa nakangiti niyang mukha. Sandali pa munang akong nag-isip kung may gagawain ako ng tanghaling iyon, at nang maalalang wala naman akong importanteng lakad ay tumango ako. "No problem Ms. Natividad. The pleasure is mine," nakangiting turan ko. Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko at pagkuwan ay muling ngumiti ito ng matamis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD