THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Patuloy sa pagtakbo sila Dahlia at Kurt habang patuloy na may bumabaril sa likuran nila. Samantalang si Hans ay tumatakbo rin sa kabilang parte at hinahabol ng mas maraming kalaban. Sa kabilang dako naman ay nakalabas na ng tuluyan si Athena at tumatakbo na papasok ng sasakyan, samantalang si Theo ay nasa mismong loob na ng gusali. Sinasabihan siya nila Ian kung saang daan ang tatahakin niya upang makasalubong ang taong nasa likod ng mga bomba. Malapit ng makalabas sila Dahlia at Kurt, ngunit biglang may sumalubong sakanilang mga gwardya atsaka sila pinaputukan ng baril. Mabuti na lang at mabilis nila itong naiwasan. Ngayon tuloy ay pabalik nanaman sila sa loob ng gusali. Mabilis silang nagkahiwalay nang may biglang sumalubong ulit na mga kalaban sakanil

