Agad kong inalis ang tingin sa kanya, matapos ko siyang lingunin at binigyan ng masamang tingin ang dalawang babae na nasa harapan ko. Talagang hinayaan nila akong magsalita, habang nandito na pala ang mga ito. Tsk! "So, Am I still qualified to court you, Chelsea?" muling sabi niya saka umupo sa upuang katabi ko. Napansin ko namang umupo na rin ang dalawa sa tabi ng mga Asawa nila. Hays! Sinasadya ba talaga ng mga ito na paglapitin muli kami ni Chaddion? "Hmmm?" Bigla niyang inilapit sa akin ang mukha niya, kaya inilayo ko ang sarili ko. "Tsss, lumayo ka nga," sabi ko at tinulak palayo sa akin ang mukha niya. "You are both single right?" mayamaya ay narinig kong sabi ni Dylan. "Yeah, we are," tugon ni Chaddion habang nakangising nakatingin sa akin. Napangisi rin ako sa kanya, at a

