CHELSEA'S POV Nakita ko sa mukha ni Alyana ang pagkagulat sa pag amin kong iyon. Alam ko naman na magugulat talaga siya kapag nalaman niya iyon, lalo na't sa loob ng tatlong taon ay wala silang makuhang balita sa akin. "I-I can't believe this," sabi niya at napatayo habang nagpalakad-lakad sa harapan ko. "Seryoso ba talaga iyan? May anak kayo ni Chad?" hindi pa rin makapaniwalang sabi niya. Tumango ako sa kanya at napayuko. Ayoko mang sabihin sa kanya iyon ay wala na rin akong magawa, dahil malalaman rin naman niya iyon. "Y-Yes, I got pregnant. The next month, when that you announced your pregnancy. Iyon rin ang malalim kong dahilan kaya lumayo ako, dahil sa mga Oras na iyon ay alam kong hindi na kami pwedi, Lalo na at may fiancee siya. I know it's selfish, but, I don't have a choice

