Kinagabihan ay inaya si Chelsea ng pinsan niyang si Stella na mag bar. Dahil wala naman siyang gagawin ay pumayag siya sa alok nito. Nagpaalam siya kina Alyana na aalis siya at hinayaan naman siya ng mga ito. Pumunta siya sa bar na sinabi ng pinsan niya. Nang makarating siya ay Nakita niyang may kasama pang dalawang kaibigan ang pinsan niya, babae at lalaki. Kumuha sila ng private room kung saan sila gustong magsaya, maging ang mga alak na iinumin nila. "Guys, meet my cousin, Chelsea. Cous', this is Meagan and Andrew," pakilala ni Stella sa kanya sa mga ito. "Nice to meet you, Chelsea," sabi ni Meagan sa kanya. "Glad to meet you, Chelsea," sabi rin ni Andrew sa kanya. Nakipagkamay siya sa mga ito at nakipagkilala na rin. Mayamaya ay nagsimula na silang mag inuman at kwentuhan. Kumakant

