03

1929 Words
"BAKIT ngayon ka lang?" Bungad na tanong ni mama, mahihimigan ang galit sa boses nya. Hindi ako sumagot dahil alam kong may kasunod pa yung sasabihin nya. "Tinatawagan ka ng teacher ng kapatid mo kanina para ipasundo sayo, hindi mo sinasagot yung tawag. Ako pa talaga aasahan mo sa mga kapatid mo?" galit pa din nyang sabi. "Nakikipaglampungan ka pa siguro sa boyfriend mo kaya hindi mo mahawakan yang selpon mo. Napakadaming gagawin dito sa bahay, tapos nagawa mo pang lumandi" dagdag pa nya. Hindi ako lumandi ma, kagagaling ko lang ng ospital. Bumalik yung sakit ko pero nakakalungkot dahil hindi mo alam at wala kang pakealam. Naibulong ko nalang sa sarili. Iwinaksi ko ang mga yan sa isip ko bago nagsalita. "Gumawa lang po ng project ma" kalmado at magalang kong sagot. "Hanggang ganitong oras? Sinong niloko mo? Pati yang pag aaral gagawin mong dahilan para lang makalandi ka!" Sigaw nya habang tinuturo ako. Humingi nalang ako ng paumanhin at sinabing hindi ko na uulitin 'saka nagpaalam na aakyat na sa kwarto. Mabuti naman at hindi na nya ako sinermonan dahil ilang segundo nalang pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali, mali ba ako doon sa part na hindi ko sinabing naospital ako kanina? Wala naman s'yang pakialam kahit pa nga siguro maghingalo ako sa harap n'ya e. Umupo nalang ako sa kama ko at mahinang umiiyak. Naging mala ilog na sa agos ang luha ko ng maalala ko ang sinabi ng doctor kanina na hindi ako pwedeng umiyak ng ganto. Hindi ako maaaring maging sobrang emosyonal baka ikamatay ko. Pinilit kong pigilan ang pag agos ng luha, maging ang paghikbi. Natatakot na baka maulit ang nangyari kanina. Habang nasa malalim na paglalayag ang isip ko, hindi ko nalamayan na nakatulog na ako. KINABUKASAN, maaga akong nagising. Naghanda na para sa pagpasok sa eskwela. Medyo mamumugto pa ang mga mata ko, dahil siguro sa pag iyak ko kagabi. Pagkatapos gumayak at kumain ay pumasok na ako. Nauna na ang mga kapatid ko kanina, inihatid siguro ni mama. Pagdating sa silid ng section namin, mayroon na namang sariling mundo ang mga kaklase ko. Ganon naman palagi ang tagpo sa section namin. Bawat isa ay may sariling mundo at bawal guluhin. Pumasok na ako ng tuluyan sa room saka naglakad papunta sa upuan ko. Binaba na ang bag bago umupo at nakipagkwentuhan sa katabi. "Kamusta? Anong nangyari sayo kahapon, sinugod ka raw sa hospital ah?" Tanong kaagad nya. Palibhasa ay wala kahapon, hindi nya alam kung anong nangyari. "Lagnat lang, at kulang sa tulog" sagot ko nalang. Mabuti at nailipat kaagad sa ibang bagay ang pinaguusapan namin. Baka magkamali ako at madulas kung ano ba talaga ang nangyari. Muling bumalik sa isip ko ang tagpo kahapon, kung saan sinabi ng doctor ang tila isang bangungot sa akin kahit alam kong gising ako nung mga panahong 'yon. Ilang beses rin akong humiling na sana ay isa lamang 'yun na panaginip. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko nagbabasakali na nananginip nga ako. Pero hindi, totoo ang lahat. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ng klase ang guro namin, kung hindi ko pa narinig ang sabay sabay nilang pagbati, malamang ay nalunod na ako sa sarili kong iniisip. MABILIS lamang lumipas ang oras, matapos ang ilang sandali ay uwian na naman. Babalik na naman ako sa bahay na puro sermon ang inaabot ko. Ako ang taga salo sa galit ng mga tao doon. Kung pwede lang na hindi umuwi, hindi na ako babalik don kaso, hindi ko pa kayang mabuhay ng mag isa. After a while, nakauwi na ako sa bahay. Kagaya kahapon, wala akong inabutang tao. Kumain nalang ako mag isa. After i eat, hinugasan ko na ang pinagkainan ko and then nagpunta ako sa kwarto para magpahinga ng kaunti, dahil maya maya lang ay may pasok na naman. Nakatunganga lang ako at nakipagtitigan sa kisame. Nag iisip isip ng kung ano anong bagay. Nagiimagine rin na hindi ko alam kung san na umabot ang imahinasyon ko. Habang naglalakbay ang isip ko, biglang tumunog ang cellphone ko. Meaning, ala una na at oras na naman para pumasok sa eskwelahan for the afternoon class. Nagtoothbrush ako before magpalit ng pantaas, from school uniform, pinalitan ko into plain white tshirt. Hindi naman Monday ngayon at malapit ng mag Friday kaya ayos lang kahit hindi na nakauniform, tho may minus nga lang daily attendance. After a minute or so, nakarating na ako sa school. Sa covered court ang diretso ko dahil katabi non ang classroom ko for this class. Two hours ang nakasched na oras namin for this subject, Cookery. Pumunta nalang ako sa seat ko and then tumunganga ulit at nakipagtitigan sa kawalan. Hindi ko naman kasama ang mga kaibigan ko sa section namin, iba ang kinuha nilang TLE kaya nagkahiwa-hiwalay kami. "Hi, ayos ka lang?" Jean asked, hindi ko nga alam kung paano nakalapit sa akin yan ng hindi ko napapansin. Siguro ay nalulunod lang ako sa sariling imahinasyon kaya hindi ko na napapansin ang nasa paligid. "Oo naman, ayos na ayos" sagot ko sa kanya. Nagthumbs up pa ako, para siguraduhin na ayos lang. "No, i'm talking about yesterday. I mean, don't get me wrong ha? Concern lang ako sayo" well, hindi ko naman masasabi na hindi kami magkasundo ni Jean, pero naguusap kami. Siguro hindi kami bestfriends, hindi rin malapit na friend, papasa siguro yung bond between us sa label na, "not so close friends". "Nah, nothing to worry naman daw sabi ng doctor. Sunod sunod lang yung puyat ko kaya ganon, sinabayan pa ng lagnat" kaparehong sagot ko na naman sa sinagot ko kay Fionna. I don't want them na mag worry. Masama ba yon? "Sige sabi mo e, by the way 5 minutes nalang magsstart na yung class. Wag ka ng makipagtitigan sa kawalan dyan, baka maabutan ka ni ma'am." She said before she bid her goodbye. Para namang hindi na kami magkikita, ilang seats lang ang pagitan namin. Pero sobrang tigre kasi ng teacher namin for this subject kaya thankfull nalang ako na pinaalalahanan nya ako na wag ng matulala. Baka ipahiya ako ni Ma'am sa harap pag nagkataon. THE two hours class went well. Quarter to four na right now and naghihintay kami sa next teacher namin. Bumalik na ako sa section ko, sa kabilang room naman ang section ni Jean kaya hindi ko na sya nakausap ulit. While waiting na dumating si Ma'am, nakatungo lang ang ulo ko sa table ko. Wala naman akong ibang gagawin bukod don, hindi ako mahilig dumaldal. 4pm na, hindi na yata dadating si Ma'am kaya nagkanya kanyang buhay na naman ang mga kaklase ko. Goodthing, hindi sila maingay kaya hindi kami nakakaistorbo ng ibang klase. Niyuko ko nalang ulit ang ulo ko sa mesa, wala din naman akong magawa kaya ganito nalang. As the time passed by, wala kaming ibang ginawa kundi ang magpakalunod sa iba't ibang mundo na ginawa namin. Quarter to 6PM, pauwi na ako sa bahay. And one thing for sure, sasalubong na naman ako ng iba't ibang sermon galing sa nanay ko. While walking, nakikinig ako sa mga kwento ng kasama ko pauwi; my bestfriend. Sinamahan nya ako para daw ihatid kasi delikado na ang oras na ganto. Medyo madilim na din kasi ang paligid, wala na si haring araw. "...diba diba?" She asked after nyang ikwento yung about sa friend nya sa section nila. Hindi kami magkapareho ng section ngayong school year. Ngayon lang kami nagkahiwalay, she's my bestfriend for almost 4 years. Of course, bukod sakin i know na makakahanap sya ng ibang kaibigan. But the thought na hindi na ako ang bestfriend nya, masakit sa puso, slight. "Yep, oo naman" i just answered in a tired tone. Pagod na pagod ako ngayon. Pagdating sa bahay, gusto ko ng humiga at matulog kaagad. But i know na that is imposible. After how minutes of walking, "sige ingat, update mo nalang ako if nakauwi ka na" sabi ko nung makarating kami sa kanto. Dito na kami naghiwalay kasi sasakay pa sya ng tricycle para makauwi sa kanila. Medyo malayo din kasi ang pagitan ng bahay nila mula sa amin. Siguro ay apat na kanto pa ang distansya. Konting lakad nalang ay malapit na ako sa bahay namin, inihahanda ko na ang tenga ko para sa wantusawang sermon ni mama. At hindi nga ako nagkamali. "Oh, san ka galing? Ginabi ka na naman" sabi nya pagkapasok ko palang ng gate. Hindi ko namalayan na andon pala sya sa garden. "Sorry po, tinapos ko pa po yung mga assignments ko sa school" sabi ko. "Assignment o lumandi ka na naman?" She said. "Ugali mo na talagang idamay yang mga assignment sa skwelahan para lang makatakas ka at makapunta ka sa kalandian mo?" Dagdag pa nya. "Kabata-bata pa, napakalandi na" Sauce mariosep, Dios Mio por Favor. Gusto ko ng ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang inis. Pero i just calmed my self before sumagot. "Assignment po talaga ma" sabi ko nalang. "Sige po, pahinga na po ako. Hindi na ako kakain" dagdag ko pa bago dumiretso at umakyat na papunta sa silid ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ng nanay ko at pinagbibintangan ako na lumalandi. E halos hindi nga ako lumabas ng bahay kapag walang pasok. Ni hindi rin ako nakikipagbarkada sa mga lalaki. At wala akong nalalaman na may nakakita sa akin na lumalabas ng may kasamang lalaki. Napakataba nga naman ng kokote nya. Dinaig pa ang mga chismosa sa kanto. Lakas makasagap ng fake news, amp. Pagkarating sa kwarto, binagsak ko kaagad ang sarili ko sa malambot na higaan. Come to think of it, kahit na ipinamumukha sa akin ni mama na parang wala lang ako at kahit ilang beses akong sinabihan ng masasakit na salita, i'm still thankful na may gantong higaan akong nahihigaan pag-uwi ko sa bahay. Mayroon din akong maayos na kinakain at nakakakain ako araw araw ng tatlong beses sa isang araw. Maswerte pa din pala ako kahit papaano. Nasa malalim ako na pag-iisip ng maramdaman kong mayroong likidong tumutulo sa ilong ko. Nang hawakan ko ito, napabuntong hininga nalang ako. Dugo na naman. Ang nasabi ko sa sarili. Tumayo nalang ako at nagpunta sa banyo para linisin ito. Baka malagyan pa ng dugo ang ibang gamit na nasa kama katulad ng sapin at kumot, maging ang mga unan. Baka mapagalitan na naman ako. After i wash my face, nagpalit na rin ako ng damit para peaceful ang tulog ko later. I change my clothes into simple color pink pyjamas and white shirt. Kinuha ko din ang phone ko at charger bago bumalik sa kama. Pagbalik ko sa kama, kinonekta ko na kaagad ang charger sa saksakam sa medyo ibabang parte ng pader malapit sa kama. Good thing, medyo mahaba ang wire ng charger ko kaya kahit nakahiga ako ay abot ang wire. 12% - charging. Ang lumabas sa screen ko matapos iconnect ang charger sa phone. I open my wifi connection and then i browse in my social media accounts; f*******:, i********:, twitter, and even youtube para magpalipas ng oras. Ginamit ko na habang nakacharge ang phone. I think hindi naman sya basta basta masisira kasi ilang beses ko lang naman yon ginagawa. I decided to sleep nung makita ko na mag eeleven pm na pala. Tinanggal ko na sa saksakan yung charger and then tinabi ko na yung phone. Pati yung ilaw sa kwarto ko ay pinatay ko na. And then few moments later, tsaran, i feel asleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD