"Never let your past darken your future, make it a lesson to be stronger and bolder." "Your Past will determined who will the be the people that will stay at your side,you'll just have to be prepared who is that person." -THERICE P.O.V- Hindi ko alam kung matutuwa o maasar ako kay Sergio,matapos ang pag iyak ko sa kanya dahil sa pag uusap namin ni Aaron ay naisipan nya akong dalhin sa isang playground di kalayuan sa condo building na tinitirhan ko.Parehas kaming nakaupo sa tig isang swing habang sya ay umiinom ng paborito nyang yakult at ako hawak hawak ang binigay nya sa aking yakult para daw gumaan ang pakiramdam ko na hindi ko magets kung paano mapapagaan ng yakult ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto nya ang inumin na ito.Matagal ko ng napapansin ang pagkahil

