"I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid i have loved you for a thousand years, i loved you for a thousand more." - A Thousand Years by Christina Perri -THIRD PERSON P.O.V- Sapo-sapo ni Sergio ang kanyang kanang balikat na may tama ng baril dahil sa kagagawan ni Ben, kumikirot ito pero binabalewala iyon ni Sergio dahil ayaw nyang magpakita ng kahit anong panghihina sa kaharap. Ramdam nya ang dahan-dahang pag agos ng dugo sa balikat nya pero hinayaan nya nalang. Nasisiguro si Sergio na pag nakita ng mga kaibigan nya lalo na si Taz na nagpatama sya ng baril ay makakatanggap sya ng maraming batok sa mga ito. Unti-unti narin nyang nararamdaman ang pagkirot ng tahi sa kanyang likuran. Malaki ang ngising ibinaba ni Ben ang pagkakatutok ng baril nya kay Sergio at humarap

