"To forgive is a way to forget and let go of the past." -THIRD PERSON P.O.V- "Isang subo nalang Talimpadas sige na!Kailangan mong ubusin itong pagkain mo para makainom ka na ng gamot huwag ng matigas ang ulo." Kunot noong umiiling si Sergio kay Therice habang iniiwas ang bibig sa kutsarang may lamang pagkain na pilit pinauubos sa kanya ng kanyang nobya. Pakiramdam ni Sergio ay isang subo pa nya ay ilalabas nya na lahat ng pinakain ni Therice sa kanya na ayaw nang tanggapin ng kanyang sikmura. "Damn baby! please take that creepy food to me, baka isang subo ko pa dyan sa dehydration naman ako mamatay. I really hate the food here in the hospital!" angal ni Sergio na ikinasimangot ni Therice. Ibinaba ni Therice ang hawak nynag kutsara at pinukol ng masamang tingin an nobyong nag iinarte.

