"I will protect you even it will cost my life, i'm willing to die just to protect you." - Sergio Fritz -THIRD PERSON P.O.V- Matapos makaalis ni Therice sa kwarto ni Sergio ay naiwan dito ang kanyang ina at sina Demon at ToV na tuloy tuloy parin ang paglalaro ng baraha.Tumahimik ang buong kwarto habang ang ina ni Sergio ay matamang nakatitig sa kanyang anak na may bahid parin ng gulat sa mga mata dahil sa mabilis na desisyon na binitawan nito dahil lang sa sinabi ni Therice. Hindi parin makapaniwala ang ina ni Sergio na makailan syang tanggihan nito na hawakan ang negosyo nila na kahit anong pilit nya ay hindi nito tinatanggap pero sa isang sabi lang ni Therice sa kanyang anak ay mabilis itong pumayag. Bumuntong hininga si Sergio bago pinilit ang sarili na makaupo at makasandal sa higaa

