Episode 05

2678 Words
-THIRD PERSON P.O.V- Matapos ang celebration para sa kakatapos lang na kasal ni Ford at Sora,isa-isa nang nagpaalam ang mga bisita nila sa bagong kasal,ganun din amg mga magulang nila na halatang napagod sa maghapong pagkikipagsayahan sa natapos na kasal.Tanging sina Sergio nalang amg natira sa reception hall dahil hindi pa sila tapos magkasiyahan,nauna nalang na umuwi sina Taz at Gail,Balance at Sari at sina Travis at M.C dahil iniintay sila ng mga chikiting nila.Ang mga binata at mga takot magmahal ang naiwan para makipagsayahan pa kina Ford na kanina pa sinesenyasan ni Sora na patigilin na ang mga ito dahil kailangan nilang masolo ang isa't-isa at masundan na ang anak nilang si Miracle. "Ang dami pang alak kaya kailangan maubos natin ito." pahayag ni Tad na halata na ang kalasingan "Pakiramdam ko pag gising ko bukas matinding sakit ng ulo ang mararamdaman ko pero kampay pa mga kaibigan!" sabi naman ni Blue na lasing na din pero nakakaya paring uminom. "Mukhang wala pang susuko sa mga ito." naiiling na sambit ni ToV na sabay sabay nilang ikinalingon kay Devil na biglanh tumayo sa pagkakaupo na may namumungay na mga mata. "I'm sleepy, i need my bed." sabi nito bago pasuray suray na naglakad palayo sa mesa nila at bigla biglang humiga sa may gilid ng hall na ikinatawa nilang lahat. "Kambal hindi yan ang kama mo hahaha!" natatawang sambit ni Demon sa kambal nya. "I think i need to go home, i have so many things to do on KAC." normal na pahayag ni LAY na tuwid na tumayo at nagpaalam sa mga kaibigan nito at kita nila na kahit lasing na si LAY ay nakakaya pa rin nitong ihandle ang sarili nya. Tahimik lang na patuloy na umiinom sina YoRi,Lu at Paxton ganun din si Sergio na hindi ganun nalasing dahil mas maraming yakult ang nainom nito. "Guys masayang makipag inuman sa inyo pero i think me and my wife need to go, we have some business we need to do." agaw atensyon na sabi ni Ford na ikinalingon ng lahat sa kanya at sabay sabay na nginisian sya. "Oo nga pala may gagawin pa pala kayo na hindi namin pwede makita." kumento ni Paxton na ngiting ikinailing ni Ford. "Gago alangan naman mag live show kami sa harapan nyo ng asawa ko besides those view is just only privately mine." ngisi ni Ford na nakatanggap nang mahinang hampas kay Sora na yumakap sa dibdib nito. "Ang landi mo Rosales nakakasuka ka.Lumayas na kayo kung Lalayas kayo kami ng bahala dito at sa mga lasing na yan." sambit ni Lu na uminom ng alak sa hawak nyang baso na ikinatango ni Ford. "Okay enjoy staying here assholes." paalam ni Ford sa kanyang mga kaibigan  bago inalalayan si Sora palabas ng reception hall ng sumigaw si Demon sa kanila. "FORD MAKE IT A QUADRUPLET PARA NAMAN MARAMING KALARO SI MIRACLE!" sigaw nito na tinaasan lang ng kamay ni Ford at nag sign ng ok na ikinatawa at ikinaapir ng mga kaibigan ni Ford sa isa't-isa. "Anong akala mo kay Sora baboy para manganak ng ganun kadami?" pahayag ni Sergio sa sinigaw ni Demon na ngising ikinalingon nito sa kanya. "Hahaha who knows Fritz baka sipagin mamaya si Ford na gumawa ng apat." "Stop saying that Mondragon i might p**e here!Just go to your twin at ihiga mo sa couch na nasa may kabilang gilid.Mukhang basahan si Devil sa kinahihigaan nya." pahayag na puna ni Lu kay Demon na ikinalingon nito sa kambal nya. "Ang kambal ko talaga pag nalalasing ng sobra akala nya nasa bahay sya." naiiling na kumento ni Demon bago tumayo at pinuntahan ang nakahandusay na kambal sa sahig. "Hoy Sergio hindi ka pa na nasusuka sa kakainom mo ng yakult kanina ka pa ah?" punang kumento ni Tad kay Sergio na napatigil sa pag inom ng yakult nya at kunit ang noong nilingon si Tad. "Bakit naman isusuka ko ang mga nainom kong yakult?Ang sarap kaya tsaka look hindi pa ako nalasing makakauwi akong hindi gumagapang sa kalasingan unlike Devil." sabi nito na ikinailing ng mga kaibigan nya "Wala ka na talagang pag asa Sergio.Wala ka na bang ibang kaadikan maliban dyan sa yakult na yan." kumento ni Blue na sinundan ni ToV "Masama ang masobrahan Sergio dahil sa katakawan mo dyan." "Don't f*cking let me see you drink that shitty drink Fritz, i let you this day but not tomorrow or another day." seryosong banta ni YoRi na bahagya nyang ikinalayo kay Yo dahil malapit lapit ang upuan nya dito. "Kung pwede lang ikulong ang mga adik sa ganyang inumin baka ako pa ang dumampot sayo at ikulong ka." pahayag ni Lu na ikinatawa naman ni Paxton. "Mag iba ka na kasi ng kaadikan mo Fritz, marami naman dyan na pwedeng mas kaadikan pa." "Wala na akong kaadikan pang iba kundi ang yakult ko lang tsaka bakit ba ang harsh nyo sa yakult ko inaano ba kayo nito?" naiinis na pahayag ni Sergio na ikinatigil ng mga ito sa pang aasar sa kanya ng dumating at lumapit sa lamesa nila si Erick. "Hey f*ckers did you saw my girlfriend?" tanong nito ng makalapit sa mesa nila habang lumilingon sa paligid ng reception hall. "Hanapan ba kami ng jowa mong nowhere to be found ha Erick?" sambit ni Paxton na dumampot ng tissue at ibinato kay Paxton na natatawang umilag. "Gago ka Ignacio mukha ka kasi kayong lost in found station kaya sa inyo ako lumapit." Hindi na iba kina Paxton ang pakikisabayan ng biruan ni Erick sa kanila, tinuring na nila kasi itong part pa ng pamilya nila, isa pa may ugali si Erick na may pagkakahalintulad sa kanila kaya mabilis nila itong nakapalagayan ng loob. "Hindi namin sya napansin eh pero baka naandyan lang sa tabi tabi.Hintayin mo nalang magpakita girlfriend mo at maikupo ka muna dito sa amin." pag aaya ni Blue kay Erick na akmang uupo ng mahagilap ang mata ng nobya na kalalabas lang ng restroom habang may akay-akay na isang babae na mukhang lasing dahil kita nya kung paano nahihirapang inaakay ng gf nya ang babaeng akay-akay nito. Agad na nilakad ni Erick ang girlfriend na sabay-sabay lang na sinundan ng tingin nina Sergio. "Babe is she alright?" tanong ni Erick kay Maxine na agad nilingon ang nobyo. "I think she's not, hindi ko alam ang problema ng babaeng ito at nagpakalasing ng ganito.Sa pagkakaalam ko naman in goodterms sila ni Aaron eh." sabi ni Maxine habang inaalalayan ang kaibigan nyang nakayuko na sa kalasingan. "Give her to me baka nahihirapan ka na sa kanya." suhestiyon ni Erick na akmang hahawakan sa braso ang kaibigan ni Max ng bigla itong tumunghay na bahagyang ikinagulat at ikinaatras ni Erick habang nakatingin dito. "Don't tawch me!Shor nat my boyfrensh." lasing na sambit ni Therice habang winawagayway ang kamay nito. "Common Therice iuupo ka lang namin ni Erick." angal ni Maxine sa kaibigan. Napakunot naman ang noo ni Sergio ng makilala ang lasing na babaeng akay-akay ng nobya ni Erick na mukhang nakilala din ng mga kaibigan nya. "Diba si Ms.Model yan?Bakit mukhang nagpakalasing yan?" takang tanong ni Tad  habang kina Maxine nakatingin "Baka ikinalungkot masyado yung pag tanggi ni Sergio sa kanya.Ilang beses din yun at masakit yun sa ego ng isang babae." kumento ni Blue na ikinalingon ni ToV sa kanya. "Paano mo nasabi Blue?Babae ka ba?" ngising asar ni ToV na tinaasan lang ng middle finger ni Blue "Shabi ng huwag mo kong hawakan!Hindi ako lashing!" suway ni Therice kay Erick na nagtatangkang alalayan sya. "Therice sasabunutan kita pag hindi ka umayos!" banta ni Maxine kay Therice na ikinatingin nito sa kaibigan bago ngumiti. "Mashine!My beshfriend, i wav you." lasing na sambit nito bago niyakap si Maxine na agad inalalayan ng kaibigan. "Amo'y alak ka Therice huwag ka ngang yumapos!" "Mukhang kaibigan ng nobya ni Erick si Ms.Model ah!What a small world." kumento ni Paxton na lumingon kay Sergio na kunot noong nakatingin kay Therice na bahagya nyang ikingasi. "Lapitan mo na kasi Fritz hindi yung tinititigan mo lang." asar na sambit ni Paxton kay Sergio na agad inialis ang paningin kay Therice. "Bakit ko lalapitan ang amazona na yan baka mamaya suntukin na naman ako nyan, bukas pa naman ang simula ng shooting ko sa Lacoste.Mahirap na ayokong madagdagan ang pasa ko sa gwapo kong mukha." pahayag ni Sergio na mabilis inubos ang yakult na hawak nya. "Sabi mo eh!" ngising sang ayon ni Paxton na sinenyasan si ToV na agad naintindihan nito kung anong gustong sabihin ni Paxton. Napalingon nalang si Sergio kay ToV ng tumayo ito. "I'll just help them mukhang maraming nainom si Ms.Model." paalam ni ToV na sinundan ng tingin ni Sergio nang mag umpisa na itong lapitan ang kinaroroonan nina Therice. "Pustahan tayo Paxton sa bewang agad hahawak yang si ToV, 5k." ngising pahayag ni Blue na ikinasunod na kumento ni Tad. "Sige 5k sa balikat ni Ms.Model hahawak si ToV." Nagkasalubong ang kilay ni Sergio sa pustahang inumpisahan ng mga kaibigan nya at base sa mga ito mukhang seryoso sila sa pustahan nila at hindi alam ni Sergio kung bakit hindi nya magawang makisali sa pustahan ng mga kaibigan nya. "Valenzuela will carry that woman." sambit na sali ni YoRi na sa hawak nyang baso nakatingin. "Game ako dyan!Ipupusta ko ang limang libo ko sa braso nya hahawakan si Ms.Model kilala natin si Valenzuela,di lang halata pero gentleman yang gago na yan." sabi ni Paxton "Valenzuela will hold the hands of that woman, i know that man then after that he will brought that girl in a cozy room." pagsaling pahayag ni Lu "Wala sa mga nabanggit nyo ang gagawin ni ToV sali ako sa pustahan pag lapit ni ToV susunggaban nya na agad yan." pagsali ni Demon na kababalik lang sa lamesa nila akay-akay paupo ang kambal nya. Hindi alam ni Sergio kung bakit may part sa kanya na hindi nagugustuhan ng pandinig nya ang mga naririnig nya sa mga kaibigan nya.Binalingan nya si ToV na malapit na sa kinatatayuan nina Therice habang nakikita parin nyang ayaw pahawak nito kay Erick. "Ikaw Fritz?Sasali ka sa pustahan?Tingin mo saan unang hahawak si Valenzuela sa parte ng katawan ni Ms.Model?" pukaw na tanong ni Paxton kay Sergio na hindi nito nilingon kaya lingid sa kaalaman nya ay mga nakangising nakatingin sa kanya ang mga kaibigan nya at pinagmamasdan ang reaksyon nya. "Pustahan walang mahahawakan si ToV saan mang parte ng katawan ng amazona na yan." seryosong pahayag ni Sergio na mabilis na tumayo sa kinauupuan nya at mabilis ang lakad na na dinako ang kinalalagyan nina Therice. "I provoked the dimwit i guess." ngising sambit ni Paxton na ininom ang alak nya. "What are you Ignacio?Playing cupid?" walang ganang tanong ni Lu kay Paxton na mas ikinangisi nito. "Yung mga ganung titig ni Fritz sa modelo na yun ay nakita ko na kina Taz habang tinititigan nila ang mga asawa nila.Parehas na parehas.Tsaka nakisali naman kayo eh." pahayag ni Paxton sa mga kaibigan. "Panuorin nalang natin ang gagawin ni Sergio." sabi ni Demon na ikinatingin nalang nila kay Sergio na nakalapit na kina Therice at bahagyang hinawi si ToV na malapit na sa dalaga na ikinangisi ng kaibigan. Namumungay ang matang napalingon si Therice sa lalaking lumapit sa kanya at kahit lasing sya ay nakilala nya ang lalaking nakadagdag ng sakit sa ulo nya na agad nyang ikinabitaw kay Maxine at sumusuray na humarap kay Sergio. "I-ikaw?" "Kababae mong tao ang lakas mong uminom tapos hindi mo naman kaya.Kung sikat na modelo ka hindi pwede yan baka makita ka lang ng mga media mabalita ka na." pahayag ni Sergio kay Therice na ikinakunot ng noo ng dalaga ng mahimigan nya na parang naasar ang tono ni Sergio. "Hoy Talimpadash na lalaking makapal ang mukhang adik sha yakult bakit ikaw ang nagagalit dyan?Diba dapat ako kashi tatlong besesh mo kong tinanggihan maging katrabaho?" inis na pahayag ni Therice kay Sergio na piliy itinutuwid ang sarili sa harapan ng binata. "Gosh babae ka nakakahiya ka!Watch her babe tatawagan ko lang  si Aaron." paalam ni Maxine kay Erick na kinuha ang phone sa bulsa nya at lumayo sa pwesto nila. "Hindi ka ba maka move on ha amazona?Ganyan ka kaapektado sa pag turn down ko sayo?" mas nahihimigang inis na sabi ni Sergio na ikinatitig lang ni Erick sa kanya at ikinangising ikinalapit ni ToV kay Therice ng mapansin nyang tutumba ito kaya agad nya itong hinawakan sa bewang para alalayan na agad napansin ni Sergio at kamay ni ToV na nasa bewang ni Therice tumuon ang mga mata nya. "Stop being rude to him Sergio, she's drunk and can't handle herself."  sabi sa kanya ni ToV na hindi maialis ni Sergio ang tingin sa kamay ni ToV na nasa bewang ng dalaga. "Don't touch her Valenzuela she can still handle herself so put away your hands on her waist." seryosong banta ni Sergio na wala nang emosyong tumingin kay ToV na ngising agad inalis ang kamay sa bewang ni Therice at itinaas ang dalawang kamay. Muling ibinalik ni Sergio ang tingin nya kay Therice na masamang nakatingin sa kanya kaya akmang hahawakan nya ito sa braso ng manlaki ang mata nya ng dumapo sa pisngi nya ang malakas na sampal ni Therice na rinig nyang ikinahiyaw sa gulat ng mga kaibigan nyang nakita ang p********l ng dalaga sa kanya. "Nakatanggap si Sergio ng strike two mula kay Ms.Model, pustahan tayo tamang-tama na yan." rinig nyang pahayag ni Paxton na hindi nya nabigyang pansin dahil sa gulat sa pagkakasampal sa kanya ni Therice. Hindi sya sinasampal ng Ina nya kahit madalas silang magtalo, tanging si Lolo Sid nya lang ang nakasampal sa kanya at pumapangalawa na ngayon si Therice na sumampal sa kanya. "Huwag mong shubukan na hawakan akong talimpadas na lalaki ka!Ang sama mo, galit ako sayo!Ano bang problema mo sa akin at tinatanggihan mo kong makatrabaho ha?May lihim ka talaga sigurong galit sa akin nuh?" bulyaw ni Therice kay Sergio na bakas parin sa mukha ang gulat na lumingon kay Therice. "Y-you slapped me?" "Hindi mo ba naramdaman?Gusto mo bang ulitin ko?" inis na sabi nito na akmang sasampalin sya ulit pero agad nyang nahawakan ang kamay nito kaya hindi sinasadyang napalapit si Therice sa kanya na naging dahilan para maamoy nito ang natural nitong amoy na ikinatigil nya. "Ang bad mong adik ka sa yakult, ano bang ayaw mo sa akin at tatlong beses mo kong tinanggihan?" Tiningnan ni Therice si Sergio sa mukha nito at dahil lasing sya balewala sa kanya kung ilang inches nalang ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa. "Shabihin mo nga?Pangit ba ako?Hindi ba ako sheksi?Wala naman akong sakit na nakakahawa para tanggihan mo mg ganito ah." pahayag nito na kita ni Sergio ang pagka teary eye ng dalaga Nakamasid lang ang mga kaibigan nya sa kanila at hindi nya na napansin na bumalik na si ToV sa mesa nila habang si Erick ay patay malisyang tinalikuran ang eksena ng dalawa. "Gushto ko lang naman na makilala sa pagmomodel eh pero bakit hinaharangan mo ang pangarap ko?Bakit?Porke sikat na sikat ka ay dapat sirain mo ang pangarap ng iba?I hate you Sergio Fritz, i hate you." naluluhang pahayag ni Therice na isinandal ang ulo sa dibdib ni Sergio na bahagyang ikinagulat ng binata habang mahina syang hinahampas gamit ang isang kamay nito. "Sisikat din akong kumag ka at mas makikilala ako tandaan mo yan!Bwisit kang talimpadas ka!" Mabilis na umalis si Therice sa pagkakasandal nya sa dibdib ni Sergio at dahil sa sobrang kalasingan ay na out of balance sya na agad namang ikinahila ni Sergio sa kanya pero hindi inaasahan ni Sergio na ang paghila nya sa dalaga papalapit sa kanya ay magiging dahilan para manlaki ang mga mata nya. "F*CKING SH*T!TAD KUHANAN MO NG VIDEO DALI?!" rinig nyang sabi ng kaibigan nyang si Demon pero hindi nya mabigyang pansin dahil ang isipan nya ay nasa labi nila ni Therice na magkalapat. Hindi alam ni Sergio ang irereak nya ng maramdaman nyang babagsak si Therice na agad nyang sinalo.Nawalan na ng malay ang lasing na lasing na si Therice habang si Sergio ay nakatingin sa walang malay na dalaga at hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya. "Mukhang may bagong kaadikan si Fritz ah, hindi magtatagal yan na ang hahanap hanapin ng lalaking yan." pahayag ni Paxton habang nakatingin kay Sergio na tulalang nakatingin sa walang malay na dalaga at habang nagbibigayan ng pera ang mga kaibigan nya kay Blue dahil sa pagkapanalo nito sa pustahan nilang magkakaibigan. **** Accident - Sometimes painful but most of the time the sweetest. #NakahalikSiSergio #NatanimanNaNgUgatNgPaibig #MalapitNgMagsimulaAngAgawan #AngPanaNiKupido
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD