Chapter Ten "Manager ako ni Ethan" sagot ng Matanda sakaniya. Nag taka naman si Jopay dito at napatingin sa matanda. "Hanggang ngayon bilanggo pa din ang tatlo diba? To make the story short, tawagan mo ako." Inabot nito ang isang calling card. "Hindi tayo pupwedeng mag usap sa pampublikong lugar, tawagan mo ako at sana sa mas safe na lugar Hija. Bago manlang ako mawala sa mundo, may magawa manlang akong Tama." Iniwan siya ng Matanda at pinag mamasdan lamang ni Jopay ang Calling card nito Kinuha niya ang cellphone at pinicturan ito at sinend sa kaibigan niyang si Rina. Napaaga ng uwi si Jopay dahil gusto niyang makausap si Rina.. "Saan mo siya nakita? Anong sinabi niya sayo? May binigay ba siyang mga detalye?" Bumungad na mga tanong kay Jopay at hindi naman niya maintindihan ang kaib

