Muling nagdilim ang kapaligiran pagkatapos masira ang espiritung espada, parang ipinapahiwatig nito ang pagkatalo ni Gadel pero hindi naman doon masusukat iyong resulta hanggang mayroon siyang na paraan. Lalo na naalala niya si Ava nang mahawakan niya ang dagger na nanggaling mismo sa dalaga. "Ano bang klaseng halimaw itong kinakaharap natin?" tinanong na rin ni Gadel ang katanungan sa isipan niya. Alam na ni Gadel kung gaano ito kalakas kumpara sa inaakala niya kanina. Kahit marami siyang nakaharap na halimaw noon pa, kahit ilang gyera na ang sinabak niya na ang katunggali ay hindi mga ordinaryong nilalang. "Iyan ang mga halimaw na matatagpuan sa pinakailalim ng karagatan," wika ni Terra. Mukhang napilayan ito sa kanyang pagbagsak kaya nahihirapan siyang tumayo. Kaya naman tinutulu

