Chapter Fifty: The Story of Alyana Bugarin Part I

1135 Words

Chapter Fifty: The Story of Alyana Bugarin Part I                  Napapitlang siya ng sumipol ang takore, senyales na kumukulo na ang tubig sa loob nito. Pasado alas nueve na ng gabi at dapat ay gumagayak na siya ngunit wala siyang gana na pumasok sa trabaho. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at nilapitan ang kalan. Pinatay niya ang apoy at dahan-dahang isinalin ang bagong kulo na tubig sa termos niyang kulay pula. Pagkatapos ay naghanda na siya sa kanyang pagtulog. Papasok na sana siya sa kanyang kuwarto ng makarinig siya ng pagkatok sa kanyang pinto. Mukhang si Maribel ito. Pipilitin na naman ako pumasok nito sa trabaho. Tamad na naglakad siya papalapit sa pinto at binuksan ito. Hindi na siya nag-abala pang silipin kung sino ito sa peephole. Pagbukas niya ay nanlaki ang mga mata niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD