“Tell me, sino sa amin ng ice cream na ito ang mas masarap?” seryosong tanong nito sa kanya habang mataman na nakatittig sa kanya. Wala sa sariling napa-ubo siya ng sunod-sunod. Nahaplos niya ang dibdib. Andres cracked up, sabay hinaplos nito ang kanyang likod. Ano ba kasing klaseng tanong iyon? “Love sagutin mo ko,” ani pa nito habang panay ang haplos nito sa kanyang likod. “Ang ice cream.” Agad niyang tugon. Hindi rin naman kasi niya pwedeng sabihin na masarap ito. Bakit ba kasi nito ikinumpara ang sarili sa ice cream? “Ang ice cream? Sigurado ka na mas masarap ang ice cream kesa sa'kin? Hindi nga?!” pabulong nitong tanong sa kanya sabay lapit ng mukha sa kanyang mukha. Bahagya na naatras niya ang sarili at dumikit ang likod sa backrest ng upuan. “E kasi naman ano.” “Ano?!” Nag

