“Andres!” Tinig babae mula sa kanyang kanang bahagi. He knew that voice. Tinig iyon ni Bernadeth, kaklase niya ito sa kolehiyo at anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ina. “Can we dance?” Nakangiting tanong ni Bernadeth ng makalapit ito sa kanya. “Wag mong sabihin na tatanggihan mo ‘yan?” Bulong ni Red sa kanyang punong tenga. Gusto niyang tumanggi ngunit hindi rin maatim ng konsensiya niyang mapahiya si Bernadeth. Tinungga niya ang natirang alak at saka ipinatong sa platter na bitbit ng waiter na dumaan sa kaniyang harapan saka inilahad ang palad kay Bernadeth. They went to the dance floor and danced. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi ang kasayaw ang nasa isip. Nakapagkit sa kanyang isip ang mukha ni Serenity. How he wishes na sana ito ang kasayaw niya ngayon. Umiindak sa sali

