Hinawakan ni Andres sa magkabilang balikat ang bata. “A-Ano ulit,” mariin siyang lumunok at ang puso niya ay nakakabingi ang t***k na pati boses niya ay tila hindi na niya naririnig. “A-Ano ulit ang p-pangalan ng mama mo?” tanong niyang muli sa mababang tuno sa nangangatal na tinig. “Destiny po, Destiny Constantino ang pangalan ng mama ko. Sige na po, tawagan nyo na po ang mama ko, parang awa nyo na po!” Nanginginig na inangat niya ang mga kamay at marahan na dumapo iyon sa magkabilang pisngi ng bata. Kinulong niya sa mga palad ang mukha ng bata at matamang pinagmasdan ang kabuuan ng mukha nito. Gamit ang kanyang mga hinlalaki ay pinahid niya ang mga luha nitong lumandas sa magkabilang pisngi. “Pwede ba malaman kung ano ang pangalan mo?” Kanina pa niya alam ang pangalan ng bata nguni

