Muli ay niyakap siya nito ng mahigpit. Sa pagkakataon na ito ay sa dibdib niya ibinaon nito ang mukha. Sa wakas, tuluyan ng nawala ang lahat ng pangamba at bigat sa dibdib. The forgiveness she longed for the past seven years has been granted. “Tama na. Baka magising ang mga bata.” Medyo malakas kasi ang hagulhol nito. Nag-alala siya na baka biglang magising ang mga bata dahil sa ingay na likha ng kanilang mga pag-iyak. Marahan itong kumalas mula sa pagyakap sa kanya. Pinahiran nito ng kamay ang mga luha habang nanatili itong nakaluhod sa kanyang harapan. “Destiny,” tumingala ito sa kanya. Ang mga mata ay pulang-pula maging ang tungki ng ilong ay ganun din. “Please, allow me to make it up to you and the kids. Hayaan mong punan ko ang pagkukulang ko sa mga anak natin.” “Andres, hindi ko

