Nakapatong ang mga siko sa nakabaluktot na tuhod at salo ng mga palad ang mukha. Pikit ni Destiny ang mga mata habang panay ang kastigo niya sa sarili. Ang kanyang puso ay tila kabayo na sumisipa sa loob ng kanyang dibdib, at maging ang paghinga ay marahas. Habang pikit ang mga mata ay naglalaro sa isip ang paglapat ng labi nila ni Andres sa isa’t-isa. Simpleng paglapat lang iyon, but the friction was felt all over her being. “Mapapatay kita, Destiny, mapapatay kita!” Bernadeth's voice suddenly echoed in her head. Naangat niya ang mukha. Naglalaro sa isip niya ang eksena kung paano siya lumaban kay Bernadeth sa loob ng toilet cubicle kung saan siya nito kinulong. Iniharang ni Bernadeth ang katawan nito sa pinto ng cubicle upang hindi siya makalabas. Bernadeth even slapped her, at sa

