Natapos na ang hapunan. Lumalalim na ang gabi. Ngunit ang pagkailang at kaba ay nanatiling buhay sa kanyang sistema. Nagulat siya ng sabihin ni Kate na naayos na nito ang kanyang mga gamit sa silid di umano nila ni Andres.
Hindi niya alam ano ang gagawin sa mga oras na ito. Gusto niyang gumawa ng alibi upang hindi ito makatabi sa pagtulog ngunit wala siyang mahagilap na pwedeng gawing rason. Pakiramdam niya na sa bawat pagbuka ng labi ay mas lalong nadadagdagan ang kanyang kasinungalingan at kasalanan.
Ang hirap.
Ang hirap gampanan ang isang bagay na alam mong isang malaking kasalanan. Lalo pa at hindi niya kinagisnan ang pagsisinungaling at panloloko ng kapwa.
Hindi humiwalay sa kanya si Andres at tila ito linta na nakadikit sa kanya. Bago tuluyang umalis sa restaurant ay lumingon siya kay Tita Catalina. Nakita niya ang pagkaawa nito sa kanya.
Ngunit gaya niya ay wala rin magagawa si Tita Catalina. Isang makapangyarihan na tao si Andres at nagmula ito sa isa sa pinakamayaman na pamilya sa bansa. CEO ito ng kompanya na pag-aari mismo ng pamilya.
Hawak din ng mga Montefalcon ang kompanya ng kanyang ama. Bago mamatay ang kanyang ama ay nalugi ang kompanya nito, at bago tuluyang bumagsak ang kumpanya ay sinalo ito ng mga montefalcon.
Montefalcon was Altamirano’s family friend, magkaibigan na matalik ang mga magulang ng kanilang mga ama ganun din ang kanilang mga magulang. To strengthen the Altamerano and Montefalcon ties, both families agreed to marry their children, which are Andres and Serenity.
Isang kasunduan na nauwi sa wagas na pagmamahalan. Maganda si Serenity, maalindog, mahinhin at mabait. Sa kabila ng kasikatan na natamo ng kambal ay nanatili itong nakaapak sa lupa at hindi nagmataas, hindi katulad ng ibang sikat na modelo.
Habang si Andres naman ay isa itong adonis. Sa madaling salita, isa itong lalaki na pinag-pantasyahan ng lahat ng kababaihan. Na kay Andres na ang lahat. Mayaman, gwapo, matangkad at matipuno. Sa madaling salita, makapangyarihan sa lahat ng aspeto ng buhay.
Masasabing perfect match ang kanyang kambal at Andres.
Magkamukhang-magkamukha sila ni Serenity, ika nga. Pinagbiyak silang bunga. Mula sa hugis puso na mukha, maninipis at mapupula na mga labi, mahabang mga pilik mata, at maging ang kulay ng mga mata ay iisa. Balingkinitan rin siya tulad ng kanyang kambal at magkasingtakad.
Ang kaibahan nila ng kambal niya. Lumaki ito sa marangyang buhay, habang siya ay lumaki sa probinsya, isang payak at simple ngunit masasabing masaya na pamumuhay.
Matagal na panahon na nawalay sila ng kambal sa isa’t-isa. Ngunit hindi hadlang ang layo nila sa isa’t-isa upang hindi ipadama ang pagmamahal sa bawat isa.
Si Serenity ang tumustos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nakapagtapos siya ng BSED, dahil sa kambal. Binilhan din sila nito ng house and lot sa Gensan, at maging ang pagpapagamot sa tiya Rosa ay ito rin ang sumalo.
Kaya sa abot ng makakaya, ay ibabalik niya sa kambal ang kabutihan nito. Kahit kapalit ay sariling buhay. Mahal na mahal niya ang kapatid, at wala siyang ibang gusto kundi ang makasama ito ng matagal.
“Mauna ka nang gumamit ng banyo. Hindi tayo pwedeng magsabay sa paggamit dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.” Kinabig siya nito sa batok at hinalikan sa noo. “Lalabas lang ako saglit. May tatawagan lang ako.”
“Sige,” maikling tugon niya.
Nakahinga siya ng maluwag ng sumara ang pinto at tuluyang nakalabas si Andres. Napahawak siya sa dibdib at sunod-sunod ang ginawang paghinga. Kapagkuwan ay mabilis ang kilos na naghalungkat siya ng damit sa loob ng kanyang luggage.
Isang cream silk pair of pajamas ang kanyang napili. Bitbit ang bra, panty, pajamas at ang ilang personal hygiene stuff ay mabilis na tumungo siya ng banyo.
Mabilisang paglilinis ng katawan ang kanyang ginawa. Ilang minuto lang ang lumipas ay tapos na siya. Mabilis na lumabas siya ng banyo. Napatda siya at natigil sa paghakbang ng makitang nasa mismong tapat ng banyo si Andres.
Nakasandal ito sa pader, habang ang mga kamay ay nakasuksok sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. Kapagkuwan ay tumayo ito ng tuwid at humarap sa kanya. Humakbang ito ng dalawang hakbang tungo sa kanya.
“Something's wrong?”
“Ha? W-Wala naman. B-Bakit mo nasabi ‘yan?” Bigla ang pagkalabog ng dibdib niya.
“You felt uneasy. Masama ba pakiramdam mo?”
Parang kidlat na mabilis siyang umiling. “Hindi. Hindi masama ang pakiramdam ko, love.” Sinikap niyang hindi mautal lalo na ang sambitin ang katagang love.
‘Dyos ko, ang laki na talaga ng kasalanan ko. Patawad po. Patawad!’
Mataman siyang tinitigan ni Andres, hindi ito kumukurap, dahilan upang tila ay lulubog siya sa kinatatayuan.
“B-bakit?”
Sa halip na sagutin siya, ay umangat ang kanang braso nito kasabay ng marahan na pagdapo ng palad sa kanyang leeg.
“Sigurado ka bang hindi masama ang pakiramdam mo? Napapansin ko kasi na parang matamlay ka at hindi mapakali.” hinaplos nito ang kanyang leeg paakyat sa kanyang pisngi. Gamit ang likod palad ay marahan nitong hinaplos ang kanyang kanang pisngi.
She can’t help but close her eyes, as Andre's hand touches her skin, it feels warm. Init na naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa kanyang buong pandama. Ngunit sa pagpikit ng kanyang mga mata ay mukha ng kapatid ang kanyang nakita. Bigla niyang naimulat ang mga mata.
Ano ba itong nararamdaman niya? Bakit ba niya nagustuhan ang init na nagmula rito at maging ang bawat haplos nito?
“Medyo pagod lang ako.” mahina niyang sambit.
Totoo sa loob ang sinabi niya. Napagod talaga siya. Lalo at hindi siya sanay sa pagsuot ng high heels. Medyo masakit nga ang kanyang alak-alakan dahil sa pagsuot ng high heels ngayong araw.
“I see,” mahina nitong tugon. He then wrapped his left arm around her waist, hinapit siya nito papalapit sa katawan nito at ang mukha nito ay bumaba sa kanyang leeg.
Ibinaon nito ang mukha sa kanyang leeg at sinamyo siya nito roon. Napapikit siya at mariin na napakagat ng ibabang labi. Tumatama sa balat ng kanyang leeg ang mainit nitong hininga, kapagkuwan ay pinatakan nito ng halik ang kanyang balat
Muli ay nagsitayuan ang munting balahibo sa buo niyang katawan. Naikuyom niya ang mga kamay habang hawak-hawak sa palad ang pinaghubaran na damit. Pakiramdam niya ay nanigas siya sa kanyang kinatatayuan.
“God, I miss you so much, love!” wika nito sa gitna ng ginagawa nitong paghalik sa kanyang leeg.
Hanggang sa naramdaman niya ang pagtigil nito sa paghalik sa kanya. Marahan na binuksan niya ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanyang paningin ang nakangiti nitong mukha.
“This is what I like about you. You look so innocent and fragile. I love you so much Serenity! Alam mo ba na gusto ko ng hilahin ang mga araw upang makasal na tayo, at ganap na maging akin ka ng buo? Kung pwede lang sana hilahin ang araw, ginawa ko na. I am eager to spend the rest of my life with you, love.”
Sinabi ni Andres ang mga katagang iyon habang nakatitig ito ng direkta sa kanyang mga nata, at ang kanang palad nito ay humahaplos sa kanyang kanang pisngi.
She stared back at him. Ang puso niya ay naninikip. This man doesn't deserve to be cheated. Napakawagas ng pagmamahal nito para sa kambal niya. Tuluyang bumigay ang bigat sa puso niya at kusang umalpas ang mga luha sa kanyang mga mata.
“A-Andres…”
“Serenity, Love, may nasabi ba akong mali?”
Andres cupped her face. Bigla itong nataranta ng makita ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata kasabay na dumaloy sa kanyang magkabilang pisngi. Pinunasan nito iyon ng mga daliri.
“Love, shìt! Sorry, please, wag ka ng umiyak!”
Ngunit sa halip na sagutin niya si Andres. Binitawan niya ang bagay na nasa kanyang mga palad at walang pag-alinlangan na niyakap niya ito ng mahigpit.
“Andres,” mahina niyang sambit. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito habang patuloy sa paghikbi. “Sobrang ma-swerte ako at ikaw ang binigay ng Diyos.”
‘Para sa kambal ko.’
dugtong niya sa isip.
“Lagi mong tatandaan na sobrang mahal kita, handa kong gawin ang lahat ‘wag ka lang masaktan, dahil sobrang mahal kita Andres!”
Sinabi niya ang mga katagang iyon bilang si Serenity. Alam niyang iyon din ang gustong sabihin ni Serenity sakaling kaharap nito ngayon si Andres. Ang lalaking mahal ng kanyang kambal.
Andres caresses the back of her head. Nagpakawala ito ng mahinang tawa habang nakayakap ang kaliwang braso sa kanyang balingkinitan na katawan.
“I know. I know that you love me, pero mas mahal kita. Kaya, please, stop crying. It pained me. Sumisikip ang dibdib ko.”
Sobrang swerte ng kambal niya at nakatagpo ito ng isang tulad ni Andres. ‘Diyos ko, pagalingin nyo po ang kapatid ko. Hayaan niyo po sana na makasama ng kapatid ko ang lalaking ito.’
Hinawakan siya ni Andres sa magkabilang balikat. Binigyan nito ng pagitan ang kanilang mga katawan. He then again cupped her face and dried her tears. Matamis itong ngumiti.
“Stop crying, huh, let’s rest early. Alam kung pagod ka.”
Tipid siyang ngumiti at tumango. Halos mapatili siya ng bigla siya nitong pinangko. Karga siya nito sa mga bisig tungo sa naghihintay na kama. Marahan siyang ibinaba sa kama habang nakayuko ito sa kanyang mukha.
Gusto niyang iiwas ang mukhaNi hindi niya magawang ikurap ang mga mata habang sinasalubong ang mga titig ni Andres. Andres kisses her deeply, and all she can do is close her eyes.
‘Serenity!’
Sigaw ng isip niya.
Iniwan siya ni Andres sa kama at tumungo ito ng banyo. Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman ni Destiny ang marahan na paglundo ng kama. Naipikit niya ang mga mata kasabay ng panunuot ng mabangong amoy ng panglalaki nitong amoy sa kanyang ilong na humahalo sa ginamit nitong shower gel.
Kaygaan sa ilong ng male’s scent nito at kaysarap samyuhin. Napahugot siya ng malalim na paghinga ng isinuksok nito ang isang braso sa ilalim ng kanyang leeg kasabay ng pagbaon ng mukha sa kanyang batok.
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi niya ito pwedeng tabigin. Alam niyang ginagawa ito ni Andres dahil ito na ang nakasanayan nitong gawin kasama si Serenity, at sa pagkakataon na ito. Siya si Serenity at hindi si Destiny. Kailangan niyang kalimutan ang sarili alang-alang sa mahal na kambal. Sa taong kapwa mahal nila ni Andres.
Mariin niyang naipikit ang mga mata ng maramdaman ang pagyakap ng isang braso ni Andres sa kanya kasabay ng pagsuot ng palad nito sa loob ng kanyang blusa.
Pigil niya ang paghinga. Akma niyang pigilan ang kamay nito. Ngunit huli na dahil mabilis na gumapang iyon sa isa niyang dibdib. Nanlaki ang kanyang mga mata ng bigla nitong kinubkob ang kanyang dibdib sabay pinisil iyon.
At ano iyong nararamdaman niya na matigas na bagay sa kanyang ibabang likuran? Is it his erect manhood? Bakit parang ang laki at ang tigas?
“A-Andres!” Utal niyang wika at bahagya pang nanginig ang boses.
“Why are you wearing a bra?” Sa halip ay tugon nito. “You have never worn a bra since the very first day we slept together.” halata ang pagtataka sa tinig nito.