Tila kay bagal ng oras. Ang kaba sa dibdib ni Andres ay hindi pa rin humuhupa. Humugot siya ng isang malalim na paghinga at ang paningin ay itinuon sa altar. Nasa loob siya ng chapel ng hospital. He told Destiny na mag to-toilet lang siya. Pero talagang dito sa chapel ang pakay niya. Apat na bagay lang naman ang hiniling niya sa taas, yun ay ang tuluyan na pag-galing ng kanyang ama, successful operation ng anak at fast recovery, ang mairaos ang krisis ng kompanya at mapanatiling buo ang binuo nilang pamilya ni Destiny. Kapalit ng kahilingan na iyon ay ang isang pangakong binitawan sa taas. Pangako na mamahalin ang kanyang mga anak, at ang ina ng mga ito ng higit pa sa buhay niya at sisikapin na magiging mabuting tao. Tahimik lang siyang nanalangin at paulit-ulit na humihingi ng kapatawa

