Magkahawak kamay na nilisan nila ang penthouse. Pagbukas ng lift ay agad na napalingon sa kanila ang mga babaeng nasa reception at maging ang ilan na nakasalubong. Andres wrapped his arm around her waist as they walked toward the doorway. Nakayuko siya at hinayaan ang mahabang buhok na bahagyang tumabing sa kanyang mukha. Pagdating sa labas ng hotel ay isang sasakyan na itim ang naghihintay sa kanila. Nakatayo sa tabi ng sasakyan ang lalaki na naghatid sa kanya kanina dito sa hotel. “Sir Magandang gabi po. Ito po ang susi.” Inabot ng lalaki kay Andres ang susi na agad naman nitong tinanggap. “Sige na. Umuwi ka na.” “Sige po, sir. Ilang sandali lang ay tumatakbo na ang sasakyan sa kahabaan ng highway. Andres is holding her hand with his free hand. Ang isang kamay nito ay nasa ste

