Lio knew he never should have touched Didi. Best friend ng kapatid niya si Didi. Bilang respeto sa pagkakaibigan ng kapatid niya at ni Didi, siya na dapat ang unang lumayo noong magsimula silang magkalapit ni Didi. At kahit pa sariling desisyon din naman ni Didi ang pagpayag ng dalaga na maging sila sa kabila ng malinaw niyang babala rito sa umpisa pa lang na hindi siya ang tipo ng lalaking tumatagal sa isang relasyon, alam niyang malaki pa rin ang kasalanan at pananagutan niya sa nangyari sa relasyon nila.
His and Didi’s break up was a year and ten months overdue. Dahil ang pinakamatagal niyang relasyon bago si Didi ay isang buwan. Long-term relationships is not just his thing. After what happened between him and his first love Keisha, he vowed to himself that he will never let himself get caught in the love and relationship trap again. Para sa kanya ay hindi iyon karuwagan kundi isang matalinong pagpapasya. Iniwan siya ng bride niya isang araw bago ang araw mismo ng kasal nila. At sa mismong harapan pa ng altar ng maliit na wedding chapel kung saan inire-rehearse na nila ang kasal nila sinabi sa kanya ni Keisha na hindi na ito magpapakasal sa kanya. And to make matters worse, Keisha admitted that it was because she was pregnant with his older brother’s child.
Niloko siya ng babae. At ang mas masakit, niloko rin siya ng Kuya Rhys niya. Kaya sinong lalaki ang hindi matututo sa mapaklang leksyon na iyon ng pag-ibig?
Pagkatapos ng panloloko sa kanya ng sariling kuya niya at ng unang babaeng minahal ay hindi na siya nagkaroon pa ulit ng mahabang relasyon. Lahat ng babaeng napapaugnay sa kanya ay tulad lang din niya ang hanap. Panandaliang pagpawi ng init ng katawan, mababaw na pagkakaibigan na susundan ng maayos na paghihiwalay. Walang drama, walang galit, walang emosyon. It was the perfect deal for him.
Pero iba ang nangyari sa kanila ni Didi. Hindi niya maaaring basta tuldukan na lang ang namagitan sa kanila tulad ng mga nakaraang ugnayan niya sa ibang babae. Una, dahil nga isa sa mga best friends ng kapatid niya si Didi. Pangalawa, dahil nagi-guilty siya na hinayaan niya ang sarili na mawalan ng kontrol nang unang gabing may mamagitan sa kanila ng dalaga. At pangatlo, dahil talagang naging masaya siya nang makasama at mas makilala pa ang dalaga.
Matagal na niyang alam ang tungkol sa inaakala lang ni Didi na ‘lihim’ nitong pagtingin sa kanya. At hindi niya iyon nalaman dahil ibinuko ito ni Ivy sa kanya. Hinding-hindi gagawin iyon ni Ivy sa kaibigan lalo pa at alam din ni Ivy ang reputasyon niya sa mga babae.
Nalaman niya ang tungkol sa pagkakagusto ni Didi sa kanya dahil halatang-halata naman talaga iyon sa tuwing magkakaharap sila ng dalaga. Nagiging singpula ng cherries ang buong mukha ni Didi habang halos ipagsigawan ng mga mata nitong laging nakapagkit sa mukha niya ang damdaming nais nitong ikubli sa kanya. Kaya nga siya na ang kusang dumidistansya sa dalaga noon para hindi na ito maasiwa sa tuwing nakakasalamuha siya. Ayaw rin niyang mag-isip ang dalaga na attracted din siya rito. Umiiwas siyang bigyan ang dalaga ng maling pag-asa na mapansin niya.
But all his perfect reasons for avoiding Didi flew out of the window the night of Alex and Edda’s wedding. Si Didi ang nag-bake ng wedding cake nina Alex at Edda. Isa rin si Didi sa mga guests sa kasal ng dalawa. Nang makita niya si Didi na nakatayo sa gilid ng dance floor at nanonood sa mga magkaparehang nagsasayaw sa saliw ng isang romantikong awitin ay may kung anong nag-udyok sa kanya na lapitan niya ang dalaga at yayaing magsayaw. At first, she was quite reluctant to accept his offer. Pero nang mabasa marahil ng dalaga sa mukha niya na hindi niya ibababa ang kamay niyang nakalahad rito ay napilitan na rin itong tanggapin ang kamay niya at sumayaw kasama niya.
He probably would remember the glow on her pretty face that night until the day he died. It was just pure happiness out of the simplest reason. Because he asked her to dance with him. Napakasimpleng dahilan. Kung tutuusin, hindi ganoon ka-espesyal iyon dahil halos lahat na yata ng babaeng bisitang naroon ay nakasayaw na niya. She was just one of the many women he danced with that night. Or at least, that was all she was supposed to be. Just another woman in his arms dancing to just another sappy love song.
Pero hindi roon nagtapos ang sayaw nila ni Didi. Dahil hanggang matapos ang wedding reception ay magkasama sila ng dalaga. Wala na siyang iba pang inalok na sumayaw kung hindi ang dalaga. At sa halip na maghiwalay na sila pagkatapos ng wedding reception nina Alex at Edda, inihatid niya sa bahay nito si Didi. Doon nila itinuloy ang pagsasayaw nila. Sa pagkakataong iyon, ibang uri naman ng sayaw na ang pinagsaluhan nila. At ang tanging musika nila ay ang panabay na mga ungol at pagsambit nila sa pangalan ng bawat isa. And he did not leave her house until the late afternoon of the next day.
Bago pa niya namalayan, isang taon at sampung buwan na pala ang lumipas. At nananatiling si Didi pa rin ang tanging isinasayaw niya. She was the first woman he’d been with for that long since his disastrous first experience with love.
Pero nang mabanggit ni Didi two months ago na malapit na pala ang second anniversary ng unang beses na may namagitan sa kanila, biglang nilamon ng pagkataranta, pagkalito, pagtutol at takot ang buong sistema niya. He did not believe in relationships. He did not have any kind of anniversary with women. At bago pa man niya pinag-isipan ng mabuti ang gagawin ay nakipaghiwalay na siya sa dalaga. Ni hindi niya na matandaan kung ano-ano ang mga pinagsasasabi niya noong nakipaghiwalay siya sa dalaga. Dala ng sobrang pagpa-panic niya sa ideyang one-half na pala siya ng isang one whole sa paningin ni Didi at ng lahat ng nakakakilala sa kanila, kung ano-anong rason ang pinagsasasabi niya sa dalaga.
Hindi siya sigurado pero parang nasabi pa nga yata niya sa dalaga na masyado lang siyang naging komportable at naaliw sa piling ng dalaga kaya hindi niya tinuldukan agad ang relasyon nila. Pero dahil nag-aalala siyang mas lumalim pa ang damdamin ng dalaga para sa kanya gayong imposible niya itong matutunang mahalin ay pinuputol na niya ang relasyon nila. He sounded and acted like a real bastard there.
At ang mas malala pa, hiniling niya pa sa dalaga na sana ay patuloy pa rin silang maging magkaibigan alang-alang sa alaga nilang asong si Chinoy. Para siyang siraulong nagsuhestyon pa na maghati sila sa custody kay Chinoy. At iyon ay dahil lang sa ayaw niyang aminin sa dalaga na ayaw niyang tuluyang maputol ang ugnayan nila.
Breaking up with Didi was probably one of the worst things he had ever done in his life. Pakiramdam niya ay daig pa niya ang isang serial killer na pumaslang ng isang inosente at walang kalaban-labang babae nang gabing makipaghiwalay siya kay Didi. Lalo na nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ni Didi. Parang walang awang pinagsasaksak niya sa puso ang dalaga matapos niyang sabihin dito na tapusin na nila ang relasyon nila. Nakapinta na sa canvass sa isip niya ang maang, hindi makapaniwala at puno ng sakit na anyo ng dalaga nang gabing iyon.
It was that hurt look on her face that woke him up every night for the next several weeks. At oo, aaminin niya, hanggang ngayon, binabangungot pa rin siya ng anyong iyon ng dalaga.
Ipinatong ni Lio ang mga braso sa manibela ng sasakyan niya habang nakatitig sa bahay ni Didi. Kailan ba mawawala ang kahungkagan sa mga bisig niya sa tuwing kinakailangan niyang pigilan ang sarili na ikulong itong muli sa yakap niya?
“You’re an asshole, Julio Raymundo! Gago ka! Gago!” galit na mura niya sa sarili.
Para namang sumasang-ayon sa kanya na sunod-sunod na tumahol si Chinoy mula sa passenger’s seat.
“What do you think, buddy? Is she really dating that Johnny boy?” tanong niya sa aso.
Hindi niya maipaliwanag ang takot at kaba na pumupuno sa dibdib niya ngayon. At oo, mayroon ding galit. Dahil siya, ni hindi pa pumapasok sa isip niya ang makipag-date ulit sa ibang babae. Pero si Didi, mukhang interesado na sa ibang lalaki. At hindi lang basta sa ibang lalaki kung hindi sa isang lalaking mas bata pa sa kanya, mas sikat at mas talentadong lalaki. Hindi niya sasabihing mas gwapo o mas mayaman dahil sa paniwala niya, mas gwapo pa rin siya kaysa kay Johnny. Pagdating naman sa yaman, hindi siya isandaang porsyentong sigurado pero base sa mga suot na tastas na pantalon at kawalan ng kotse ni Johnny, mukhang lamang siya sa lalaki. But then again, the man was a rockstar so he probably spends all his money on drugs and alcohol. Bagay na obviously ay pabor sa kanya dahil kung may kinaa-adik-an man siya, iyon ay ang mga cakes at iba’t ibang klase ng baked goods lang ni Didi.
“Siraulo ka talaga, Julio!” palatak niya sa sarili nang ma-realize na ikinukumpara niya ang sarili sa bagong manliligaw ni Didi.
Sa inis sa sarili at sa sitwasyong kasalukuyang kinasusuungan kung saan hindi niya alam kung ano ba talaga ang gusto niya mula sa dating nobya, mariing tinapakan niya ang gas at pinaharurot palayo ang kotse niya.
Nang mag-pula ang stoplight ay tinapakan niya ang preno. Eksaktong tumunog naman ang cellphone na nakalagay sa cup holder sa bandang kanan niya. Sinagot at ini-loudspeaker niya ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang caller. Kaya naman nang marinig ang tila umiiyak na boses ng pamangking si Camie ay agad nangunot ang noo niya.
Nag-iisang anak si Camie ng Kuya Rhys at hipag niyang si Keisha. She just turned eleven years old last month. Pero sa kabila ng batang edad ni Camie, alam na ng bata kung ano ang gusto nitong pasuking trabaho paglaki nito. Gusto ng bata na maging isang artista at modelo. Ang totoo, kung hindi lang sa mahigpit na pagtutol ni Kuya Rhys, malamang ngayon pa lang ay pumasok na sa magulong mundo ng pag-aartista ang pamangkin niya. Ang kasunduan ng pamangkin at kuya niya, magtatapos muna ng highschool si Camie bago ito payagan ng kuya niya na mag-audition para makapasok sa mundo ng pag-aartista.
Bagay na alam nilang buong mag-anak na madaling maggagawa ni Camie dahil manang-mana sa ina nito si Camie. Maganda, marunong kumanta, sumayaw at higit sa lahat, mahusay umarte. May pagka-melodramatic na ultimo korning mga commercial sa TV ay tinatratong malaking trahedya na. Kaya minsan, mahabang pasensya ang iniipon niya bago kausapin ang paboritong pamangkin. But something tells him that whatever the reason is behind his niece’s breathless sobbing right now was really, really bad. At hindi lang dahil sa hindi ito pinayagan ng daddy nito na sumama sa mga kaibigan nito na magpunta sa mall.
“Camie? Why are you crying, kid? What happened?” nag-aalalang tanong niya.
“Uncle Lio!” mas lalong lumakas ang hagulgol ni Camie kaya naman dumoble ang kaba at pangamba niya.
“Uncle Lio, n-narinig ko sina Mommy at Daddy na nag-aaway sa room nila. M-maghihiwalay na sila! Nag-i-empake si M-mommy, aalis daw kami. Iiwan na raw namin si Daddy! Uncle Lio, please, make her stop! I don’t want to leave Daddy!”
Nahigit ni Lio ang hininga sa sinabi ng pamangkin. Mahinang napamura siya. Dahil kahit itanggi niya, malakas ang kutob niya na may kuneksyon sa kanya ang kasalukuyang nangyayari sa pamilya ng kapatid. His past with Keisha was like a recurring nightmare that until now seeks to destroy even his waking moments.
Matagal na niyang napatawad ang Kuya Rhys niya at si Keisha sa pagtataksil ng mga ito sa kanya. Pero ang hindi niya talaga matanggap hanggang ngayon ay ang minsang pagpapaniwala sa kanya ni Keisha na siya ang ama ni Camie. Gayong ang totoo ay si Kuya Rhys pala ang totoong ama ni Camie. Iniwan siya ni Keisha sa bisperas ng araw ng kasal nila dahil hindi na kinaya pa ng konsensya ng babae na patuloy siyang papaniwalain na anak niya ang bata sa sinapupunan nito.
She begged him to forgive her. She even swore that it was really him she loved. Pero hindi niya tinanggap ang paghingi ng tawad at mga paliwanag ng babae noon. Hindi rin niya hinarap ang Kuya Rhys niya na nagtangkang humingi ng tawad sa kanya. Umalis siya ng bansa para makalayo sa babae at sa kapatid niyang nagtaksil sa kanya sa pangambang may maggawa siyang labis niyang pagsisisihan. Ilang buwan pagka-alis niya ay nabalitaan niya na lang mula kina Alex at Ivy na ikinasal na sa huwes sina Keisha at Kuya Rhys.