WEDDING TALK

1087 Words
                                                                                                    Nagdadalawang-isip si Didi kung iinumin nga ba niya ang champagne na hawak-hawak niya. The last time she drank champagne was when she was with Lio almost four months ago. Ipinagdiwang nila ang kaarawan ng binata sa paborito nilang beach resort sa Batangas. Naglatag sila ng picnic blanket sa may dalampasigan at doon sila nag-dinner sa harap ng maliit na bonfire. Pinagmasdan nila ang mga bituin sa langit habang nakahiga sa picnic blanket. Panay ang tawanan nila habang nagpapaligsahan sa pagsasabi ng mga pangalan ng mga constellations na itinuturo nila. Pero dahil pareho silang walang alam tungkol sa mga pangalan ng mga constellations at hitsura ng mga iyon sa langit, nag-imbento na lang sila ng kung ano-anong pangalan.          Hinding-hindi niya makakalimutan ang espesyal na gabing iyon. Akala pa nga niya ay sa wakas, isasaboses na ni Lio na mahal siya nito. Because he looked at her with so much passion, desire and affection that night. Pero guni-guni lang pala niya iyon. Dahil two months later, nakipaghiwalay ang lalaki sa kanya.          Nag-angat ng tingin si Didi at pinagmasdan ang masayang anyo ni Ate Greta habang nakatitig sa nagsasalitang si Brandon. Bakas sa mukha ng ate niya ang kaligayahan at labis na pagmamahal sa nobyo nito. Nang sulyapan naman ni Brandon ang ate niya ay nakita niya ang parehong mga  emosyon sa anyo ni Brandon.          Kasalukuyan silang nakaupo sa harap ng dining table sa dining room ng bahay nina Dr. Felipe at ng mama niya. Pinag-uusapan nila kung sino-sino ang magiging primary sponsors, secondary sponsors, bridesmaids, groomsmen, ring bearer, coin bearer, Bible bearer at flower girls sa kasal nina Ate Greta at Brandon. Bukod kina Dr. Felipe, mama niya, Kuya Hans, Ate Greta, Brandon at sa mga magulang ni Brandon na sina Tito Carlson at Tita Carla, naroon din ang kanina pa niya iniwasang tingnan at kausapin na si Lio.          It was the first time they saw each other again after last Friday. Nang ihatid kasi ni Lio sa bahay niya si Chino noong Linggo ng gabi, si Ivy na bumisita sa kanya ng araw na iyon ang humarap kay Lio at kumuha kay Chinoy mula sa lalaki. Sinadya niyang hindi labasin at harapin si Lio.          Sinubukan siyang kausapin ni Lio kanina pagdating na pagdating ng binata kasabay sina Brandon. Pero maliban sa  tipid na tipid na sagot sa pangungumusta ni Lio ay hindi na niya masyado pang kinausap ang binata. Bihira pa rin niyang lingunin at kausapin ang lalaki kahit na magkatabi na sila ng upuan sa harap ng dining table.          And not because she was still mad at him for what happened last Friday. Wala na sa kanya iyon. Na-realize din niya na kung siya man ang nasa lugar ng binata at malaman niya na may idini-date na itong bago ngayon, malamang masaktan at magalit din siya tulad ng binata. Kaya pinatawad na niya ang iniakto ni Lio. Bagamat naguguluhan pa rin siya kung bakit masasaktan at magagalit ang binata gayong napakadali lang naman ng paraan para mapigilan siya nitong makipag-date sa iba. All he has to do was get back together with her.          Anyway, ang tunay na rason kaya iniiwasan niyang kausapin ang binata ngayon ay dahil alam niya na nakatutok sa kanya ang mga mata ng pamilya niya. Nag-aabang at nakabantay ang mga kapatid at ina niya sa magiging reaksyon at pakikitungo niya kay Lio. Bagay na mas lalo lang nagdulot ng pagka-asiwa sa kanya. Kaya mas pinili na lang niyang iwasang makipag-usap kay Lio.          May kutob siya na kaya lang naman siya naroon ngayong gabi ay dahil sa kagustuhan ng ina’t ate niya na palabasin na isa silang normal at masayang pamilya sa harapan ng pamilya ni Brandon. Alam niya na imposibleng naroon siya dahil siya ang napiling gawing maid of honor ng Ate Greta niya. Bagay na hindi naman talaga niya inaasahang gagawin ng kapatid. Dahil bukod sa hindi naman sila malapit sa isa’t isa ng ate niya, sa pagkaka-alam niya ay may usapan din ang ate niya at ang best friend nitong si Milly na si Milly ang magiging maid of honor ng ate niya and vice versa.          “As we all know, ang magiging best man ni Brandon ay si Lio, of course. Ang maid of honor mo naman ay si Milly---“ sabi ng mama nila na siyang naglilista ng mga pangalan sa clipboard na nasa harapan nito.          “Actually, mom, hindi na si Milly ang magiging maid of honor ko. I decided, well, actually, Brandon and I decided, na si Didi na lang ang magiging maid of honor ko at isa na lang sa mga bridesmaids si Milly,” sabat ni Ate Greta sa ina nila.          “Ha?!” gulat na bulalas niya. Nanlalaki ang mga matang napalingon siya sa ate niya.          “Ano?!” kunot-noong sambit ni Dr. Felipe.          “Bakit si Didi?! Sigurado ka ba, Greta?!” takang tanong naman ni Kuya Hans.          “Nag-away ba kayo ni Milly?! Bakit si Didi ang gagawin mong maid of honor?!” ang halos patalak na reaksyon ng ina niya.          Halos sabay-sabay ang mga tanong at naguguluhang reaksyon niya at nina Dr. Felipe, Kuya Hans at ng ina niya. Para bang napaka-imposibleng mangyari ng sinabi ni Ate Greta kung maka-react ang pamilya ni Didi. Mula sa sulok ng mga mata ni Didi ay nakita niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Lio. Halatang hindi nagustuhan ng binata ang reaksyon ng pamilya niya.          At sa pag-aalalang umalma na naman ang binata at ipagtanggol siya tulad ng madalas nitong ginagawa noong sila pa, hinawakan niya ang kamay ni Lio na nakapatong sa kandungan nito.  Marahang pinisil niya ang kamay ng binata bilang pagpigil sa anumang balak nitong sabihin o gawin. Sinulyapan naman siya ni Lio. Salubong ang mga kilay ng binata. Pero nang mabasa ng binata ang piping pakiusap sa mga mata niya na kumalma lang ito ay tipid na tumango ito.          At saka pinagsalikop ni Lio ang mga kamay nila nang akmang babawiin na niya ang kamay niya mula sa pagkakapatong sa kamay nito. Anumang pasimpleng hatak niya para mabawi ang kamay ay walang epekto. Lalo pa at hindi niya magamitan ng buong pwersa ang pagbawi sa kamay dahil nag-aalala siyang makita sila ng mga kasalo nila sa mesa.          “That’s perfect! Nag-iisang kapatid na babae nga naman ni Greta si Didi kaya dapat lang talaga na siya ang maging maid of honor. At parang kapatid na rin naman ni Brandon si Lio kaya tamang-tama lang,” natutuwang komento ni Tito Carlson sabay kindat kay Lio.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD