CAPITULUM 4

2217 Words
Maaga akong nagising dahil sabi ni kuya ngayon daw kami pupunta sa bayan, syempre excited ako kaya inagahan ko talaga ng gising. Nag-asikaso na ako at naligo na din ako para fresh pag labas. "Kuya?" Tawag ko habang kinakatok ang pintuan ng kwarto niya. "Kuya! Gumising ka na aalis tayo di ba?" Wala pa ring sumasagot siguro tulog pa ito. Nagyayaya siya tapos hindi siya magigising ng maaga? "Ayaw mong magising ah!" Bulong ko sa sarili ko. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng pintuan niya para hindi siya magising. Buti na lang at hindi naka-lock kaya nabuksan ko agad. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nakita ko siya na nakatagilid at mukhang tulog na tulog talaga. Anong oras kaya ito natulog kagabi? Lumapit ako sa kaniya at tinapat ko ‘yong bunganga ko sa tainga niya. "KUYAAAAAAAA!" Sigaw ko sa kaniya kaya napatayo siya agad. Natatawa naman ako sa kaniyang reaksyon. "What the- Jairaaaaah!" Sigaw niya sa akin kaya lumayo na ako sa kaniya at tumayo sa may pintuan. "Good morning kuya!" Natatawang bati ko sa kaniya. "Walang maganda sa umaga Jai!" Inis na sabi niya. "Are you awake?" "Sinong hindi magigising sa ginawa mo?!" Irita niyang sabi sa akin. "Aalis tayo diba? Kumilos kana nga!" “Kuya! Sabi mo aalis tayo? Ang aga ko pa naman nagising tapos di pala tayo aalis." Reklamo ko sa kaniya. "Sabi ko mag pakabait ka sakin e" "Ihh sorry na! Ang tagal mo kasing nagising e.” "Bahala ka diyan.” Parang bata talaga ‘to at naka-pout pa. Lumapit ako sa kaniya para pilitin siya. "Kuya pleaseee! Susumbong kita kay mama." Di niya ako pinansin bumalik lang siya sa pagkakahiga niya. "Kuyaaa dali naaa!" "Ah! Ayaw mong tumayo diyan ha?" Binagsak ko ‘yong katawan ko sa kaniya kaya naipit siya. "Jai umalis ka nga diyan!" "Alis na kasi tayo!" Pagpupumilit kong sabi. Paano kasi pinapaasa niya lang ako kanina ko pa siya kinukulit e. "Jai ang bigat mo!" Umalis na ko sa pagkakahiga ko sa kaniya at nag kunwaring nagtatampo. "Pasabi-sabi ka tapos hindi mo naman pala itutuloy." Sabi ko sa kaniya kunwari, pero deep inside natatawa na talaga ako . "Sige na nga!" Sabi niya ng naka-pout pa. Sabi na ih marupok din ‘to. "Talaga?! Yeeeeey!" Lumapit ulit ako sa kaniya at niyakap siya. "Sige na mag aasikaso na ako." "Bye kuya! Maligo ka na ang baho mo na.” "Jairaaaah!" Tumakbo na ako palabas ng kwarto dahil baka mag bago pa ang isip nito. Nag-punta muna ako sa sala para doon siya antayin. Ay naalala ko pala tatawagan ko sila Ely at Nel. Nag punta muna ako doon sa kwarto ko para kuhain ‘yong cellphone ko. Bumalik din ako sa sala para sakaling may signal doon. "Kuyaaaaaaa!" Sigaw ko sa kaniya. “Saglit lang, pababa na ako!” Bakit ba walang signal dito? Kahit kaunti wala pa din. Ano bang klaseng lugar ‘to? "Bakit sumisigaw ka?" Tanong niya pagkababa niya. "Walang signal?" "Wala, hindi ko ba nasabi sa iyo?" Inosenteng sagot niya. "Ano?! Walang signal dito?" "Wala bakit? Maganda ‘yon para malayo tayo sa social media.” "Ang boring-boring dito! Tapos walang signal? Nakakainis ka!" "Anong boring ka diyan. Tara na baka sa bayan may signal na doon." Inakbayan niya ako at sabay na kaming lumabas. Nakita namin si Avia na nagwawalis sa labas kaya pinuntahan muna namin siya. Naalala ko na naman ang panaginip ko kahapon. "Salve Avia!" Masayang bati ni kuya "Good morning po!" "Salve scis et Jairah." Sagot ni Avia, wait! Ano ang linggwahe nila? Mga alien ba sila? "Excuse me po! Anong meron?" "Ay iha hindi ka ba nakakaintindi ng salita ng latin?" Tanong ni Avia. Ano daw? Latin? "Hindi siya nakakaintindi ng latin Avia." Sagot ni kuya. "Ah ganun ba? Magpaturo ka kay Ken, naku! Sobrang galing niyan mag latin" Pagmamalaki ni Avia. Si kuya magaling mag latin? Bakit parang hindi ko ata alam ‘yon? "Ganun po ba sige po" Pagkukunwari ko. "Oh siya saan ba ang tungo niyo’t nakagayak kayo?" "Ipapasyal ko lang si Jai sa bayan Avia. Gusto niyo po bang sumama?" "Hindi na iho kayo na lang. Ipagluluto ko na lang kayo ng pagkain nyo.” Masayang sabi ni Avia. "Sige po. Bibili nalang po kami ng mga kailangan dito.” "Oh sige.” Malamig na tugon ni Avia. "Bye po Avia.” Paalam ko. "Vale Aviam." Kumaway na lang si lola kay kuya at bumalik na din siya sa ginagawa niya. Naglakad na kami palabas ni kuya papuntang kotse kung saan namin pinark nung pagpunta namin dito. "Hindi mo man lang sinabi sa akin na marunong ka palang mag latin kuya!" Sita ko sa kaniya na tahimik lang sa paglalakad. "Hindi ka naman nag tanong e.” Seryosong sabi niya. Ano bang problema nito at bigla na lang nagseryoso? "Pano ako mag tatanong nag sabi kaba?" "Sakay na.” Sagot nya ng nasa tapat na kami ng kotse. "Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nawawala noong 2 years ago? Dahil nag aaral ka mag latin?” Tanong ko ulit sa kaniya. "Shut up Jai!" Sigaw niya sa akin. "What's wrong with you!" Sigaw ko din sa kaniya. Bumama ako ng kotse at tumakbo kung saan, hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Jai!" Tawag ni kuya pero hindi ko siya nilingon. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang medyo bundok na lugar. Umakyat ako doon para maupo para makapag-muni-muni. Pagkaakyat ko kitang kita dito ang malawak na taniman. Pero nakakapagtaka kasi sabi nila lahat ng bahay e nasa bayan. So kanino kaya ang mga tanim na iyon? "Salve!" "Myghad! Singhal ko doon sa taong bigla bigla nalang nagsalita sa likod ko." Papatayin mo ba ko sa kaba?" “Ave Contristari!” "What!? Are you an alien?" Tanong ko sa kaniya. Ano bang problema ng mga tao dito? Bakit iba-ibang lenggwahe na lang ang naririnig ko. "Nihil.” Sabi niya. "Can you speak tagalog or english? You know what I can't understand you!" Tinawanan niya lang ako na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Joshua est nomen meum in via" Nilahad niya ang kamay niya upang sabihing makipag kamay. Nakikipag kilala ba siya? Hindi ko tinanggap ang kamay niya dahil hindi ko naman siya maintindihan. Baka minumura niya na pala ako tapos ako tuwang-tuwa lang na parang tanga. "Sorry pero hindi ako nakikipag usap sa alien.” Tumayo na ko at naglakad palayo sa kaniya. Alangan naman na makipag usap ako ng magkaiba yung lenggwahe namin. Buti sya naiintindihan nya ko e ako wala nga akong kaalam alam sa ginagamit nyang lenggwahe e. "I’m Joshua!” Sabi niya sakit pagkatalikod ko. Napastop naman ako sa sinabi niya marunong naman pala siyang mag english pinahirapan pa ko. Tsk. Humarap ako sa kaniya at tinignan siyaa mula ulo hanggang paa. Ang masasabi ko gwapo naman siya matangkad, moreno, matangos ang ilong, then his red lips. Yeah ang gwapo sobra. "What do you want?" I asked. "Nothing.” "Okay, aalis na ako." Sabi ko tsaka tumalikod. "No! Wait!" Pigil niya sa akin. "Can you stay for awhile?" Tinignan ko ulit siya, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo tsaka mukha naman siyang mabait kaya pwede naman siguro ako makipag usap sa kaniya. "Okay.” humarap at lumapit ulit ako sa kaniya at inalalayan niya akong umakyat ulit doon sa maliit na bundok. "Quid nomen tuum est?" "I said hindi ako alien okay?" "Sorry. I mean what's your name?" Natatawa niya pang tanong. "Pwede ka ng tumigil sa kakatawa baka kabagin ka, masyado kang masaya e." "Sorry sorry ang cute mo lang talaga." "I’m Jairah, you can call me Jai for short.” Marunong din naman pala syang mag tagalog. "Paano mo nalaman itong lugar na ito?" Tanong niya sa akin. "Accidentally." I replied. "You know what? Itong lugar na ito ang hinding-hindi ko makakalimutan.” He said. "Why? Anong meron sa lugar na ito?" "Someday malalaman mo din.” Nakakalokong sagot nito. "Ang saya-saya mo lagi.” "Because you came here.” "Me?" Pagtatakang tanong ko. Ano naman kayang dahilan bakit ako? "Yeah! 2 years ago since noong may nag last visit sa akin dito." "You mean? Ikaw lang mag isa dito?" Nakakatakot naman ‘yon. Hindi ko kakayanin. "Oo" "Don't tell me may sakit ka kaya may bumibisita sayo dito?" Malay natin may malala pala siyang sakit. Joke lang bawal po ang judgemental. "Of course not." "Then why are you here for a long time?" "For a reason.” "Maybe you can't tell me for now. But it’s okay.” "How about you?" He asked me. "About me? What?” "Bakit ka nandirito sa lugar na ito? I know na hindi ka taga-dito.” Galing! Pano niya nalaman? "How did you know?" "Secret.” Sabay tawa niya, gaano ba siya kasaya ngayon? "Pinadala ako ni mama dito kasama si kuya.” Panimula ko. "For what?" "Na-expel ako for two months sa school ko sa manila, dahil lagi akong nakikipag-away" "Really? Hindi halata sa iyo. Mukha ka kasing anghel.” Pabiro pa niyang sinabi. E halata naman na ang taray ko. "Yeah, halos lahat ng mga estudyante sa campus noon takot na takot sa akin kaya walang gustong kumalaban sa akin." "Matapang ka pala." Pang-aasar niya. "Tsk. Nangaasar ka ba?" "No, Im sorry natutuwa lang ako sa iyo." "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong nya ulit. "Hindi pa, tsaka nag away kami ni kuya.” Naalala ko nanaman ang dahilan kung bakit kami nag away kanina ni kuya. Hayst. "Ahh.” "Pinapaalis mo na ba ako?" "I’m just asking. Kasi baka hinahanap kana.” "By the way, pwede mo ba kong ipasyal dito?" Matagal na siya dito kaya for sure marami na siyang alam na lugar na maganda. Natahimik siya noong tinanong ko ‘yon. May mali ba sa sinabi ko? "Paenitet me relinquo.” Tumayo na siya at tumalikod na sa akin kaya tumayo na din ako. "Wait! May nasabi ba akong mali? I’m sorry hindi ko sinasadya.” Pigil ko sa kaniya. "Wala, aalis na ako. Magkita na lang tayo bukas kung gusto mong pumunta dito.” "Sige bye!" Tumalikod na ko sa kaniya. "vale videbo vos bonum diem habeas" "Wha-.” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang nawala. Ang bilis naman niya atang umalis tsaka biglang nagsitayuan ang mga buhok ko sa katawan. Hindi ko nalang pinansin ‘yon at naglakad na din ako. Hindi ko na alam kung saan ako dumaan kanina, nakakainis kasi si kuya e. "Maglakad ka diretso then pagdating mo sa dulo may makikita kang flag na brown may nakalagay na arrow don tapos sundan mo lang ‘yon." Bulong sa akin ng boses na galing sa likod ko kaya humarap agad ako. "Jo-joshua?" Pag harap ko walang tao kahit isa kundi ako lang. Sobra na din akong nanlalamig, ang buhok sa batok ko ayaw na atang bumaba nanigas na ata. S-sino -y-yung bumulong sa akin? Kung sakaling si joshua nga ‘yon dapat makikita ko siya. Myghaaad na eengkanto ako. Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad sinunod ko yung sinabi nung boses na narinig ko. Dirediretso lang ako hanggang sa marating ko na ‘yong sinasabi niyang dulo. Tama nga siya may flag mga na brown dito nakasabit sa puno at may arrow din na naka drawing na black, naka turo yon sa kanan. Sinundan ko lang iyong daanan kung saan naka-turo ang arrow hanggang sa maging familliar na sa akin ang daanan. Dito kami ni kuya nag-stop nung unang araw namin dito. Natatanaw ko na din ang gate at nandoon din si kuya na papunta sa akin, nakita na niya ata ako e. Tsk. Galit pa din ako sa kanya. "Jai! San ka ba galing?" Tanong niya. Hindi ko siya pinapansin at diretso lang ako sa paglalakad. "Jai l’m sorry! Hindi ko sinasadya na sigawan ka." "Stop following me!" Sigaw ko sa kaniya. "Hindi kita sinusundan, pareho kasi tayo ng bahay na uuwian kaya pareho tayo ng daan." Sabagay tama siya. Nakakainis ah napahiya ako. May gana pa siyang mamilosopo ha. "Hello po Avia!" Bati ko kay Avia na nakaupo lang mukhang nagpapahangin lang. "Oh andiyan na pala kayo. Kamusta ang pag-iikot sa bayan? Nag enjoy ka ba iha?" "H-ha? Opo sobrang ganda po ng bayan. First time ko lang po makakita non." Pagkukunwari ko. " Asan ang mga pinamili niyo iho?" Tanong niya kay kuya. "Yon na nga po Avia nakalimutan namin bumili dahil masyadong natuwa si Jai sa pag iikot.” Gatong ni kuya, buti marunong siyang makisama. "Ay ganoon ba. Oh sige hahatidan ko na lang kayo ulit ng makakain niyo mamaya." "Hindi po ako kakain mamaya Avia.” "Kakain siya Avia kaya dalawa ang dalhin niyo." “Hindi po ako kakain.” Bakit ba pinagpipilitan nito? "Kayo dalawang magkapatid ano bang problema niyo?" "Wala po." "Wala po.” Sabay naming sagot ni kuya. “Mag papahinga na po ako Avia. Bye po!" Naglakad na ako papuntang bahay at iniwan ko na silang dalawa. Samin dalawa ni kuya ako ang may pinakamataas na pride. Ayoko ng nag sorry ako, ayaw ko ng ako ang nauunang kumakausap sa tao. Pumunta ko ng sala para manood ng tv. Wala naman signal dito kaya wala din akong magawa. Itinali ko muna ang buhok dahil medyo naiinitan na ako. "Jai!" Tawag ni kuya na kakapasok lang, hindi pa din ako nag sasalita. Binuksan ko ang tv, sakto at spongebob yung palabas paborito ko to e. "Jai anong nangyari diyan sa batok mo?" "Ano ba! Ang inggay mo kuya!" Tumayo na ko at naglakad papuntang kwarto ko. "Jai mag-usap tayo!" "Masama pakiramdam ko. Magpapahinga na ako." Sabi ko sa kaniya, totoo naman ang sama talaga ng pakiramdam ko parang isang linggo akong nagtrabaho. Tsaka parang anytime babagsak na ako. Hindi ko na inintindi si kuya, dire-diretso lang ako sa kwarto ko. Gusto ko ng magpahinga. Pagpasok ko dumiretso agad ako sa kama ko kaso nahagip ng mata ko ang bintana sa tapat ng bintana ko. Nakabukas yon pero walang ilaw tsaka...may tao? Parang nakatingin siya sa akin at nakatitig, tinitignan kong mabuti ‘yong tao pero hindi ko makita ang mukha niya tanging mga mata lang ang nakikita ko. Lalong sumasama ang pakiramdam ko kaya hindi ko nalang pinansin ‘yon at tuluyan na kong nahiga. Umiikot na din ang paningin ko parang gusto kong sumuka kaso hindi na ko makakilos. "K-kuya!" Tawag ko, hindi ko alam kung naririnig niya ba ako. Pero hindi na talaga maganda yung nangyayari sa akin. Nararamdaman ko ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD