( Sherry POV) Natapos ang simpleng kasal namin ni tanda. Dito sa Batangas kami nagpunta para rito ganapin ang aming pulot gata. May kaba akong nararamdaman dahil first time kong gawin ang ginagawa ng mag-asawa. Si Clifford ang nagmamay-ari ng resort. Regalo ng mag-asawa sa amin ang pag-stay namin dito. Sa ibang bansa sana ang suggestion ni Natalie ngunit tumanggi ako dahil ayokong mabuo ang una naming anak sa ibang bansa. Gusto kong dito sa Pilipinas mabuo ang panganay namin.Tsaka wala naman pinagkaiba kung dito sa bansa ang honeymoon namin ni tandang Axel. " Baby, handa ka na ba ating labanan? Madugo ito at masalimuot." napahagikgik ako sa sinabi ni tandang Axel. Paanong hindi ako matatawa, may pataas pa siya ng kilay niya. Mukha ngang handa na siya sa honeymoon namin. Nakahalf naked

