CHAPTER 42 - "DITO KA LANG"
----------
MICA PEREZ POV
Actually, hanggang ngayon na nakaalis na sila hindi ako makapaniwala
na si Mr. Smith pala ang magiging driver ng beshie. Mixed emotions kasi
siya para sakin una syempre kinikilig ako kasi medyo mahaba habang
biyahe ang tatahakin nila yung nga lang sa kabilang banda, maging maayos
kaya sila sa loob ng isang sasakyan? Tapos malamang baka sakin pa magalit
ang beshie ko, baka sabihin niya na sinet up namin sila. Hayy, LUCAS LEE!!
"Lucas Lee? Bakit naman si Mr. Smith pa ang naisipan mong gawing driver ng
beshie ko? mamaya sabihin nun na sinet up natin siya." pag aalala ni Mica habang
nakasakay sa resort car kasama si Lucas.
"Ano ka ba Mics, don't worry tsaka wala namang choice e. Isa pa para naman yun
sa Dad ng beshie mo no. Tsaka maigi na din na magsama yung dalawa malay mo
nga makatulong pa yun para magka ayos sila diba? Wag kang mag alala diyan. Ako
ang bahala sayo. I got you Mics! Magtiwala ka lang sakin." nakangiting sinabi ni
Lucas kay Mica.
"Hmm. Okay."
MOMMY PATRICIA THOMPSON POV
Nasa ICU pa din si Harvey ngayon. Pero pinapunta na muna kami sa
Suite Room. Hindi ko akalain na magagamit pala namin to balang araw.
Ang Suite Room ang pinaka magandang room dito sa hospital. Malaki
ang sakop nito na may dalawang kwarto. Isang pang pasyente at ang isa
naman aypara sa mga dadalaw sa pasyente. Meron din itong sariling fridge
kitchen, tv, wifi, at kama.
Nandito na muna kami ni Patrick habang inaantay si Harvey.
ETHAN SMITH POV
Kakagaling lang namin sa isang traffic at eto traffic nanaman ulit. Buti nalang
may music. Di ko maiwasang mag imagine habang nakikinig sa tugtog na to.
Playing on the radio:
DITO KA LANG
By: Moira Dela Torre
Ika’y dumating na parang ihip ng hangin
Ako’y nakahinga dahil sa’yo
Tadhana ma’y di natin pwedeng alamin
Liliwanag ang daan tungo sa’yo
"Noong una pa lang kitang makita sa
Playground,nabihag mo agad ang aking
Paningin kaya ng makita kitang umiiyak.
Lumapit agad ako para tanggalin yung mga
Luha mo sa mata, Dahil hindi bagay sa magandang
Mukha ang lumuluha."
Dito ka lang sa puso ko
Kung ito’y pag-ibig nga,takot ay ‘di na dama
Dito ka lang palagi sa aking tabi
Lahat kayang harapin kung dito ka lang
"At sa tuwing sinusundo kita sa school mo,
Palagi kitang inaaya sa mall para
Mag arcade tayo, kasi sa tuwing pumupunta
Tayo duon alam kong lagi kitang napapasaya
Lalo na kapag natatalo mo ako.
Kasi bibilhan kitang ice cream,
May pustahan kasi tayo na bibilhan ng ice cream
Ang mananalo, kaya lagi ako nagpapatalo
sayo dahil gustong gusto ko
Laging nakikita kang masaya.
Dahil ang mga ngiti mo pumupuno
Ng saya sa puso ko."
Di mapigilan ang lungkot na nadarama
Para bang dahong ligaw sa hangin
At no’ng dumating ka, parang magandang panaginip
Kasama ka sa buwan tuwing gabi
"At tuwing weekend pinapapunta kita
Sa bahay para mag bake tayo
Ng cookies at binibilhan kita
Ng ice cream at nag papaluto
Kapa ng popcorn, Dahil sa Movie Marathon natin, inaabot
Tayo ng gabi sa panunuod minsan
Nakatulog ka sa braso ko.
Pero hindi kita ginigising dahil
Gusto lang kitang kasama at
Ang sarap pagmasdan ang maganda mong mukha.
Minsan ay na huli mo ako
Nakatingin sayo pero nagsinungalin
Ako na may dumi ka sa mukha mo
Sobrang kaba ko pa noon."
Dito ka lang sa puso ko
Kung ito’y pag-ibig nga,takot ay ‘di na dama
Dito ka lang palagi sa aking tabi
Lahat kayang harapin kung dito ka lang
"Minsan na isipan ko pang dalhin ka sa baguio
Para mag roadtrip, at mag lakad lakad.
Habang magkahawak kamay na namamasyal,
Napapayakap din ako sa kanya dahil nakikita ko na nilalamig siya.
Nagpipicture din kami dalawa sa mga lugar na
Napupuntahan namin, tas sunod mag pupunta kami
Sa night market para kumaen sa
Mga streetfood, halos lahat ata natikman na namin."
Ang buong lakas ay ibibigay ko kahit masaktan
Ika’y pupuntahan kahit sa’n ka man
Kung kailangan mo ako, aking mahal
"Sa tuwing nabubully siya sa school niya,
Na punta agad ako para ipagtanggol ko siya.
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang
Umiiyak,kaya napapaaway ako.
Tuwing binubully siya, ayaw ko kasi siyang
Nasasaktan. Ganun ko na siya ka mahal.
Oo tama, mahal ko na siya
Pero hindi ko masabi sa kanya dahil ang totoo,
Natatakot ako na baka ma-reject lang ako tapos
Lumayo siya sa akin dahil hindi ko kayang
Mawala siya sa buhay ko."
Dito ka lang sa puso ko
Kung ito’y pag-ibig nga,takot ay ‘di na dama
Dito ka lang palagi sa aking tabi
Lahat kayang harapin, kung dito ka lang
Dito sa aking tabi
Dito ka lang
"Ngayon na kasama na ulit kita
Hindi ko na hahayaang mawala kapa
Ulit sa buhay ko, alam ko nilalayuan
Mo ako pero gagawin ko ang lahat
Para mapalapit ka ulit sa akin.
And this time hindi na bilang
Bestfriend mo lang dahil ang gusto ko
Maging Girlfriend kita, liligawan
Kita at ipapakita ko sayo kung gaano kita
kamahal. Penelope Thompson."
At sakto, nag green light na. Finally.
Makalipas ang isang oras na tuloy tuloy sa pag byahe.
Ring! Ring! Ring!
Hmm? Natawag si Lucas.
"Hello bro? Whats up? Tapos na meeting mo?" tanong ni Ethan habang bumabyahe.
"Ah, No Mr. Smith. si Mica po eto. Di kasi sumasagot si Beshie ko e.
Her brother daw po kasi is calling but she’s not answering daw po.
Tulog ba siya Mr. Smith?" tanong ni Mica.
"Ah yes, she’s sleeping right now. I’ll wake her up, wait."
Hininto ko muna yung kotse kasi di ako mapalagay kung pano ko ba siya gigisingin.
Ehem. Ehem. Hooh!
"Penelope?"
Oh no, she’s in a deep sleep.
"P-penelope? Penelope?"
Naku pano to?
PENELOPE THOMPSON POV
Nandito ako sa isang parke, na punong puno ng mga bulaklak. Ang bango at napaka
sarap ng simoy ng hangin. Kasama ko ang espesyal na tao sa buhay ko. Tinakpan niya
ang mga mata ko. Sabay sabing….
"Penelope, Meron akong gustong aminin sayo." wika ng mysterious guy.
"Huh? Ano naman yun?" nakangiting tugon ni Penelope.
Pag-alis niya ng kanyang mga kamay, meron isang babae na nakatayo. At bigla niya
inakbayan. Penelope girlfriend ko.
Nakatulala lang ako nung nalaman ko yun. I am so shocked!
"Talaga ba? Eto yung surpresa mo?
Biglang nangati yung mga palad ko.
"Penelope? Penelope?"
Napamulat ako..
Ethan?
Nakita ko ang mukha ni Ethan na medyo malapit sa akin.
Slap!
"Aray!" sambit ni Ethan habang hawak hawak ang pisngi nito na sinampal
ni Penelope.
OMG! Totoo na pala to?! Hala akala ko nanaginip ako. Nako lagot mukhang
napalakas yung sampal ko. Nakatulala lang siya sakin habang hawak sa kanyang
pisngi! Sh*t! Nakakahiya!