CHAPTER 55 - THAT NAUGHTY KID! ---------- PATRICK THOMPSON POV Isang araw bago lumipad si Ethan papuntang U.A.E ay alam na daw ni Mommy na matagal ngang mawawala itong si Ethan dahil nagpaalam daw ito sa kanya sa pamamagitan ng text. At dahil nga sa pagka busy ni Mommy kay Daddy ay nalimutan itong sabihin ni Mommy kay Penelope. At makalipas ang higit isang linggo ay napansin namin na madalas na nasa kwarto lamang si Penelope. Watching t.v, tapos busy sa cellphone. Yung muffin nga na pinapadala dito hindi na din kinakaen ni Penelope. At duon ay nakatunog kami ni Mom na siguro ay namimiss ni Penelope si Ethan at we assume na nag away sila bago pa man mag ibang bansa si Ethan. Kasi way back nung last na punta ni Ethan dito, maayos naman yung dalawa hanggang sa kinagabihan nu

