CHAPTER 45 - THE MOMENT THAT MOMMY PATRICIA FEARED OF
-----------
PENELOPE THOMPSON POV
Time Check: 7 am
Kakagising ko lang para tignan si Dad. Sabi ni Doc Arman yung Doctor ni Dad na
under observation pa din daw siya dahil meron silang tinitignan pero iniintay lang
din kung madadaan sa gamot. Payo lang ni Doc na patuloy lang sa pag rest si Daddy
tapos wag bibigyan ng stress.
Lumapit ako sa Dad ko para kausapin. Sobrang todo ako sa pag pigil ng mga luha ko
dahil ayaw kong mahawa sa akin si Dad. I know na soft hearted kasi si Dad e. Makita
lang niya ako na umiiyak, iiyak na din yun. Kaya nilakasan ko lang yung loob ko.
Kinakausap ko si Dad habang hawak ang kamay niya.
"Dad, basta pagaling ka lang diyan a. Wag mo kaming intindihin dito. Ayos
lang kami. Magpapaka tatag kami para sayo Dad. Gabi gabi ka din po naming
pinag pepray. I love you Daddy."
Bigla naman akong pinuntahan ni Mommy.
Sobrang bigat sa pakiramdam na makita si Dad ng ganito. Hindi ko mapigilan
yung mga luha ko kaya umalis muna ako sa kinauupuan ko.
Sinalubong ako ni Kuya at tsaka niyakap. Dun ako humagulgol sa kanya.
"Stay strong baby girl. You know naman Dad is a fighter. Hinding hindi siya
susuko. Patuloy lang lalaban si Dad kaya ang tama nating gawin is bigyan din
siya ng lakas." payo ni Kuya Patrick na pinapalakas ang loob ng kapatid.
"I know Kuya. Di ko lang talaga mapigilan."
After nun nag breakfast na kami. At pagkatapos mag breakfast, nag novena
naman kami para kay Dad.
Buti nalang nandito si Kuya para palakasin ang mga loob namin. Maski kasi
si Mom napanghihinaan. Hanggang sa ma-open ko yung topic na, kung bakit
at anong rason ng heart attack ni Dad? Natanong ko na din to sa kanila kagabi
pero wala naman akong narinig na sagot sa kanila.
MOMMY PATRICIA THOMPSON POV
Naluha nalang ako. Di ko alam ang isasasagot ko sa tanong ng anak ko. Kaya
si Patrick nalang ang nagsabi kay Penelope sa tunay na nangyari kung bakit
inatake sa puso ang Daddy nila.
"Because of stress daw babygirl e."
"Stress?"
"Yup. Madami na palang iniisip si Dad pero di niya lang sinasabi satin."
"Hmm. Eh paano niyo naman nalaman na stress si Dad? Nag iinom ba siya?
Cigarette?" naguguluhan na tanong ni Penelope.
"Palaging lasing. Oo. Lately lang, madalas siyang lasing pag uwi tsaka mainit
ulo." nanginginig na tugon ni Kuya Patrick.
"Kuya, sorry ha. Bakit parang ang daming paligoy ligoy? Kilalang kilala kita
kuya. Mommy, may nililihim ba kayo saken? Ano bang problema ni Dad?
umiiyak na tanong ni Penelope.
PENELOPE THOMPSON POV
Hindi ko na mapigilan na maiyak dahil para bang meron silang lihim na hindi
sinasabi sa akin. Sa sobrang close naming pamilya, hindi talaga nila kayang
magsinungaling sakin. Yung panginginig ni Kuya, tapos yung pagiging tahimik
ni Mom. I know na there's something.
"I'm sorry babygirl. Hindi ko lang kasi alam kung pano ko ba sasabihin sayo to
nang hindi ka masasaktan." umiiyak na sabi ni Kuya Patrick.
"It's okay Kuya, just tell me please."
"Sweetheart nahuli namin ang Dad mo na nagcacasino. Nalulong ang Dad mo sa
sugal at nagkaroon pa siya ng malaking utang." pagsisiwalat ni Mommy Patricia.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na nagsusugal pala
si Dad. Tanging bisyo lang kasi ni Dad is mag golf with his friends, play chess,
and watch movies. Never sumagi sa isip ko na mag sugal si Dad. And knowing
na almost 4 billion ang napatalo ni Dad?
OMG! Even the savings nila ni Mommy ay nagalaw niya. I feel so disappointed
para kay Dad. Pero at the end of the day, It's just money what important is yung
health niya kaya handa akong kalimutan ang lahat ng yun gumaling lang si Dad.
At sa pagkakakilala ko kay Dad, I know learned a lot from this at alam kong
hindi na niya ulit gagawin yun.
And I feel na everything has been settle. Feeling ko din na nasabi na sakin lahat ni
Mom.
I can focus na sa pag papagaling kay Dad.
ETHAN SMITH POV
Time Check: 4:00 pm
May time pa para makadalaw sa hospital. Kaya after ng duty ko sa
hospital namin nagbihis na ako at nagready papunta naman sa
hospital nila Penelope.
Hmm? Makapag dala nga din ng foods. Dadaan muna ako sa hotel
namin para sa pagkaen.
30 mins after. All is set. May pagkaen na akong dala. Ulam siya actually
and a vegetable salad at ilang fruits.
I feel so excited at kinakabahan at the same time.
After 1 hour of driving nandito na ako sa Thompson Hospital Medical Center.
Pero di naman ako pinapasok agad dahil kailangan ko pa pala ng authorization
kila Penelope. Kaya tumawag muna sa kanila bago ako pinapasok.
Hayy, nakahinga ako ng maluwag dun a. Buti nalang si Tita yung nag recieve ng
call. Kaya dumiretso na din ako sa pagsakay ng elevator.
MOMMY PATRICIA THOMPSON POV
Kakatapos lang maligo ng daughter ko at nakwento ko nga sa kanya na dadalaw si
Perfect Doctor. Napa "hmp!" lang siya nung nabanggit ko yun. Aba ang anak ko a,
attitude.
Tatanong ko sana kung pano sila nagkakilala pero bigla namang may kumatok.
"Oh yan Mom, speaking." nakairap na sinabi ni Penelope.
"Hello po Tita, Kuya Pat, at Penelope. May dala po akong pagkaen at fruits po.
Pasensya na po dumuty pa po kasi ako sa Hospital namin e." nakangiting bati
ni Ethan.
"Okay lang naman Ethan. Nga pala nandito na ang Tito mo. Nung gabi lang siya
naitransfer dito pero under monitoring pa."
PENELOPE THOMPSON POV
Pumunta sila dun sa kwarto ni Dad para daw maipakilala ni Mommy si Ethan.
"Wow ha. Edi kayo na ang close." pabulong na sabi ni Penelope.
"I heard that. Hey babygirl. Bakit naman ang sungit sungit mo kay Ethan? Ano
ba nangyari sa inyo?" curious na tanong ni Patrick.
"Kuya ha yung totoo? Marites na marites tayo ha. Kelan ka pa naging ganyan?
nakairap na tugon ni Penelope sa nakakatanda nitong kapatid.
"Hahaha! Shut up! Just answer my question. LQ ba kayo?" pang aasar ni Patrick.
"Eww! Kuya naman. LQ talaga?"
Habang nag uusap kami ni Kuya bigla naman lumabas si Mom na para bang
naaaligaga na ewan.
MOMMY PATRICIA THOMPSON POV
Habang kinakausp ko si Ethan at pinapakilala kay Harvey, ay bigla naman akong
nakatanggap ng message sa Phone ko.
“Dala na namin ang mga dokumento na naglalaman nang kasulatan tungkol sa pagkabenta
ng kalahati ng property ng T.H.M.C at kasunduan para sa arrange marriage. Nandiyan man
o wala ang ating mga anak ang pirmahan ay magaganap ngayon din. Salamat.
– Albert Smith.”
Ito na nga ba yung araw na kinakatakutan ko. Ang araw na malalaman na ni
Penelope yung about sa arrange marraige nila ng anak ni Don Albert Smith.
Sa sobrang kaba ko napa labas ako ng kwarto at nanginginig.
“Why Mommy?”
“Nahihilo ako.”
Knock Knock! Knock!
PENELOPE THOMPSON POV
I don't know what's wrong with mom but she looks really nervous. Lalo na
nung may kumatok. Pero pinapakalma ko lang si Mom at si Kuya na ang
nag open ng door.
At pag open ng pinto, bumungad samin ang isang lalaki na naka formal suite
na may hawak na briefcase na black.
“Mrs. Patricia Thompson?” wika ng lalaki na nakaformal suite na may hawak
na briefcase.
“Dala ko na po ang mga dokumento.”
“Sandali Atty. gusto ko munang magpakilala sa mga hmm.. anak ni Mrs. Thompson
right?"
"Ako nga pala si Albert Smith at eto ang aking maybahay na si Isabel Lopez Smith.
Kinagagalak ko kayong makilala."