CHAPTER 53 - GOODBYE ETHAN
--------
ETHAN SMITH POV
I just took the chance and opportunity para once and for all ma-settle na din namin
to ni Penelope. Para maging malinaw na din ang lahat.
“Ahm. Penelope?”
Tumingin sakin si Penelope.
“Pwede ba tayong mag usap?”
Di ako nakatanggap ng sagot kay Penelope. Tahimik lamang siya.
“Penelope I miss you.” mangiyak ngiyak na sinabi ni Ethan
“Namiss ko yung dating tayo. Alam mo, hinihiling ko na bumalik na yung
dati nating pagsasama. Yung sobra tayong close.”
Nginitian niya lang ako. Pero patuloy pa din ako sa mga bagay na gusto kong
sabihin sa kanya.
"Namiss ko yung dati nating ginagawa gaya nung sasamahan mo akong magbake
kahit na naiinip ka. Hindi pa ako marunong nun kaya ending madalas sunog at
kung hindi naman sunog, hilaw naman. I never made a perfect cupcake or cookies
kaya lagi mo akong pinagtatawanan pagkatapos pero nauubos pa din naman natin.
Tapos yung time na nasa baguio tayo nun, sobrang saya. First time natin mag byahe
nun. Pano ba naman kasi mag mall lang sana tayo pero sabi mo na hindi kapa
nakakrating dun kaya dinala kita kahit na delikado dahil ako ang nagdrive at minor
pa ako nun although meron tayong driver pero pinaupo lang natin siya sa likod in
case na merong check point or tollgate para di tayo mahuli.
Sobrang saya ng moment natin na yun. Countless times na nakayakap ka lang sa akin
kahit na may jacket kana, blanket pero you just love hugging me kasi sabi mo.."
Napatigil ako dahil bigla nalang din siyang nagsalita.
"Sobrang lamig kasi talaga nun. Kaya kita yinayakap dahil yung jacket mo mainit init."
wika ni Penelope habang pumapatak ang luha sa mga mata at pinipilit na ngumiti.
"Oo yun nga, tapos foodtrip sa night market. Na enjoy natin ng sobra halos lahat kinaen
natin tapos dali dali tayong umuwi dahil alam mo na. May nakaen tayo na talagang nag
sakitan ang mga tiyan natin. Hahaha."
Napangiti din si Penelope. I know na malinaw pa sa alaala niya yun. Kasi parehas kaming
sumasakit ang tiyan. Napaiyak na ako nun kasi siya ang nauna sa banyo tapos hindi din
nakatulong yung malamig na klima.
"Yeah I still remember that. Ang baho kasi paglabas ko. Kadiri ka nga nun e." matawatawang
sinabi ni Penelope habang sinisipon dahil sa kanyang pag iyak kanina.
"We really had a lot of great moments together. And I cherished all of those. Sobrang sarap
mo kasing kasama. Ikaw yung tipong walang arte e. Competitive ka masyado kaya one time
pumunta tayo sa restaurant we ordered yung best seller nila na dish and dessert tapos di natin
alam na palaka na pala yung nakaen natin hahaha."
"Yeah, we just found out nung sinisipsip mo na yung leg part tapos napansin ko yung paa
looks like paa ng frog nag freaked out tayo parehas tapos sinabi nga sa atin ng waiter dun
na yun ang best seller nila. Hahaha." natatawang sinabi ni Penelope habang umiiling iling
dahil sa naalala na pangyayari nila ni Ethan.
We laughed it out.
I thought na okay na kami nun. Pero..
"But Ethan, that will be just a part of our past. I don't think na maibabalik pa natin
yung closeness natin dati. Dederetsuhin na kita, Yes, maaaring mapatawad kita pero
yung closeness, I'm sorry to say, hindi na. I am over it na Ethan, I don't wanna be
hurt again. Kahit na pina arranged marriage tayo ng family mo, don't expect na
magiging okay tayo. I am just doing this para lang kay Daddy. Mag iipon lang ako,
after a year na makaipon ako. I will file a divorce at babayaran ko ang utang ng Dad
ko sa family mo. I'm sorry Ethan. Pero wala na talaga. Just bury the past at tigilan mo
na yang pag iilusyon mo. Hindi mo na maibabalik pa ang mga nakaraan."
sabay tahimik pagkasabing iyon ni Penelope. Hindi rin nito mapigil ang kanyang mga
luha. At kahit na may media pa sa labas, binuksan ni Penelope ang pinto at lumabas
diretso sa elevator. As expected, pinagkaguluhan si Penelope ng mga media pero hinawi
lang niya ang mga nagtangkang humarang sa daan niya.
The moment na sinabi ni Penelope sa akin ang mga salita na yun. Para akong sinampal.
Nakatulala lang ako at tinatry i-digest lahat ng mga sinabi niya.
I think that answers my question. Hindi na ako aasa pang maging maayos kami ni Penelope.
Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay tanggapin ang masaklap na katotohanan.
Tutal sa kanya na din naman nanggaling.
-------------
Lumipas ang isang araw.
Hindi ako nakadalaw sa hospital. Pero nag sabi naman ako kay Tita na
hindi muna ako makakapunta dahil busy ako sa aking trabaho.
Hanggang sa lumipas pa ang ilang pang mga araw na hindi na talaga ako
nagpunta pa ng hopsital. Pero humihingi naman ako ng update mula kay Tita Patricia
tungkol sa kalagayan ni Tito Harvey. Pero tikom ang bibig ko kada tinatanong niya
yung about sa amin ni Penelope.
Tska naisip ko din na, tumigil muna. I decided to keep myself busy again. And I started
accepting clients na interesado for collaboration with me and patrnership.
Sunod sunod ang mga business meetings. At finally naisakatuparan na din yung matagal
ko nang pinaplano na bigtime business ang Auto Paradise kung saan magbebenta ako
ng mga wordclass na kotse at dadalhin dito sa pilipinas.
Dahil dito, isang big event ang dadluhan ko. Kung saan kailangan kong umalis ng Pilipinas
at pumunta ng ibang bansa. Uunahin naming pupuntahan ang bansang UAE. Kakatagpuin
ko ang dalawa sa anim kong mga business partners para sa malaking proyekto na ito.
At ang sunod at huling pupuntahan ko ay sa U.S naman kung saan kailangan kong manalagi
ng higit isang linggo. Kaya total of 2 weeks ang itatagal ko sa ibang bansa para sa project na
ito.
----------
TIME CHECK: 8:00 am
AT THE AIRPORT
Okay. Suit check, Chopard black sunglasses check, mask check, at yung
mga dokumento check na check. Your Doctor/ Businessman is ready to go.
At as usual pag tungtong pa lang ng airport may mga media na agad pero buti
nalang andyan yung mga security to protect me. 2 weeks akong mawawala sa Pilipinas
for business purposes. Mamimiss kita Pilipinas. Hanggang sa muli.