CHAPTER 5 - WE MEET AGAIN
-----------
ETHAN SMITH POV
Pagtapos naming magkwentuhan nila Noah, Nagpaalam na ako na uuwi na,
may work pa kasi ako.Naglalakad na ako papunta sa baba ng bar para makauwi, Nang biglang may nakita
ako na isang pamilyar na muka ng isang babae na matagal ko ng hindi nakikita simula nung umalis siya nuong
16 years old kami. Nabalitaan ko nagpunta daw sa abroad para mag-aral.
Katabi siya ng bartender kaya dali dali akong bumaba.
PENELOPE THOMPSON POV
Nakakaramdam nako ng antok. Naku, mukhang lasing na nga ako.
Medyo hilo hilo na din ako kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko.
Pero bigla akong nahilo. Gumewang at parang matutumba. At nagulat ako nang may
biglang may humawak sa aking braso.Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ko
kung sino yung taong sumalo sa aking muntik kong pagkakatumba. Eto lang naman yung taong
lihim kong minahal dati. At ang dahilan kung bakit ako nagpasyang lumayo at sumama sa magulang ko sa ibang bansa.
Napansin ko agad yung palatandaan ko sa kanyang mukha.
"ETHAN?!" Napasigaw ako sa gulat!
Nanginig ang aking katawan sa di malamang dahilan.
Pero hindi ako makapaniwala. Maaaring dala lang ng kalasingan ko.
-------------
ETHAN SMITH POV
Di ako maaaring magkamaling si Penelope ito dahil sa birthmark nya sa kanang braso.
Grabe yung kabog ng dibdib ko dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siyang muli.
Kaya nung pag tayo ko sa kanya gustong gusto ko syang kausapin para kamustahin.
At makipagkwentuhan dahil marami akong bagay na gustong itanong sa kanya.
Ngunit hindi ko inaasahan ang mga sunod na pangyayari.
Bigla nya akong tinulak at tumakbo palayo.
Di ko na sya nasundan dahil sa kasagsagan ng sayawan noon at siksikan sa loob.
Naipit na ako ng mga tao. At naiwan akong nakatulala nalang.