CHAPTER 9 - PENELOPE THE GLADIATOR
---------------
PENELOPE THOMPSON POV
Kakatapos lang namin kumaen ni Mommy. Nagpunta ako dito sa sala namin para manuod ng
palabas dito sa Netflix, namiss ko kasi yung ganito dahil lage kasi ako busy sa hospital namin.
Kaya ngayon lang ulit ako naka nuod.
Hayy kakaantok naka 3 movies na ako. Di ko na namalayan maya maya'y nakatulog
na pala ako.
6 pm na,
At biglang dumating sina Daddy kasama si kuya. Sakto ding kakagising ko lang.
"Hi Dad I miss you, (kinissan ko siya sa pisnge)"
"Hi sweety I miss you too, nabalitaan ko sa kuya mo yung ginawa sayo ng Jacob na yun,
wag ko lang talagang makikita ang tao na yun masusuntok ko talaga yung pagmumuka niya, Gago siya!
Akala mo ang gwapo gwapo kung makaasta!" galit na sinabi ni Daddy Harvey.
"Daddy, No. Don’t worry about me I am totally fine right now. Relax ka lang dyan,
Di mo na kailangan makipag away sa tao na yun." pag kakalama ni Penelope sa Daddy nya.
"Nga pala, thank you pala kuya ha last night. Kung di mo ko dinala dito maybe I’am working right now."
pasasalamat ni Penelope sa kaniyang Kuya Patrick.
"Syempre naman babygirl no. Sa tingin mo dun kita iuuwi sa condo mo mamaya kung ano pang
gawin mo dun. At least dito panatag ang isip ko na wala kang gagawing kung anuman." wika ni
Patrick.
"Haha. Grabe ka naman kuya. Ano bang tingin mong gagawin ko magwawala? Jusko po sa mahal
ng gamit ko sa condo kuya, I can't. Kaya nga nag walwal nalang ako mag isa kagabi.
Mas okay pang isuka ko nalang kesa magsira ako ng gamit sa condo ko tas iiyakan ko din kinabukasan. Hahahah."
natawang sinabi ni Penelope.
"Anyways, I miss you guys so much! I've been working the whole year at ngayon nalang ulit ako naka bisita dito."
wika ni Penelope na maluha luha pa.
"Kaya nga sweety. Kahit na araw araw tayong nagkikita sa Hospital pero iba pa rin ang bonding ng
pamilya sa loob ng bahay." pag sang ayon ni Daddy Harvey.
"Kaya nga Dad e. Hmm..Parang gusto kong bumawe.. Do you guys wanna go out? Sagot ko!" pag aakit ni Penelope.
"Sounds Great! Alam mo masakit nga ang katawan ko ngayon Sweety." wika ni Daddy Harvey habang nakahawak
sa likod nito.
"Okay Dad. Tara! Let’s go to the Spa and after that magpapabook ako for reservation
sa restaurant ng bestfriend kong si Mica." wika ni Penelope na excited na maka bonding ang pamilya.
"Nice Baby Girl, Bumabawi ah." nakangiting sinabi ni Patrick.
"Of course kuya, Ngayon nalang kasi ulit tayo magkakasama buong pamilya,
kaya kailangan natin mag relax at magsaya! At dahil lagi nalang tayong busy sa work kaya
naisip kong itreat ko kayo pangbawi sa pagkamiss ko din sa inyo." masayang sinabi ni Penelope.
"Alright! Let's go!"
-------------
ETHAN SMITH POV
Kakarating ko lang dito sa office ko. Kakatapos ko palang maground dito sa Hospital
para icheck mga patients ko.
Nakakapagod, kaya naupo muna ako dito sa swivel chair ko para makapahinga
medyo sumakit ulo ko sa pagroround ko ngayon.
Pinindot ko ang intercom para tawagin ang Assistant ko sa labas.
"Jessica? Pwede mo ba ako ikuha ng tubig at gamot sa sakit ng ulo ko."
"Okay Doc. Wait lang po kuha lang ako sa pantry."
"Okay, Thanks Jessica. Pagtapos ko pindutin yung intercom".
Knock! Knock! Knock!
Come in.
"Doc, Eto na po yung Tubig at Gamot." wika ni Jessica habang inaabot ang tubig at gamot.
"Salamat, Pwede kanang bumalik sa table mo. Tawagin mo nalang ako
kapag may naghanap sa akin, pahinga muna ako saglit." bilin ni Doc. Ethan.
"Okay po, Doc." wika ni Jessica.
"Okay salamat." wika ni Doc. Ethan.
Nang makabalik na si Jessica sa table nya sumandal na ako sa swivel chair ko
at tumalikod sa aking lamesa. Naisipan kong maglaro muna ng paborito kong laro
pag gusto kong magpaantok, ang Insaniquarium. At agad agad din naman akong inantok
at nakatulog..
Hmm..Mukhang napalalim ata ang tulog ko a..Teka?
Bakit ako nakasakay sa kabayo? At may mga suot na armor at may hawak na ispada?
"Hoy! Lalake! Ikaw ba si Ethan?" isang misteryosong boses.
"Huh? Pano mo nalaman ang pangalan ko? Sino ka?" wika ni Ethan na hinahanap kung
saan nagmumula ang boses na iyon.
"Hahaha! Ako lang naman to! (Hinubad ang suot na Armor Helmet)"
"Penelope?"
"Oo ako nga ito. Dahil isa kang malaking duwag Ethan! Eto ang sayo!!" wika ni Penelope na akmang
hihiwain ng espada si Ethan.
"Waaaag! (Hinahabol ako ni Penelope hawak ang kanyang espada)"
"Wag Penelope! Tulong ! Tulong !" pagmamakaawa ni Ethan
-----------
"Doc? Doc. Ethan?? " wika ni Jessica habang ginigising si Doc. Ethan.
"Ahh Jessica..Andyan ka pala." wika ni Ethan na biglang humarap kay Jessica.
"Opo sir sabi nyo po kasi tulungan kita." wika ni Jessica na tila nawiweirdohan sa boss nya.
Nakakahiya. Nananaginip lang pala ako (Sabi ko sa isip ko)
"Ahh. No Jessica. Thank you. Nnag lalaro kasi ako. Tas ayaw akong tulungan
nitong mga goldfish may alien kasi akong kalaban. Hehe. Sige na Jessica naglalaro pako e."
pagpapalusot ni Ethan.
"Okay Doc. Pasensya na po."
----------------
PENELOPE THOMPSON POV
Umalis na kami at ang first stop, ay yung spa massage kila Mom and Dad at syempre kay Kuya na din.
At huy! Di din naman ako papahuli. I deserve this!
Ayy ang sarap, eto yung bugbog na gusto ko yung nakakatanggal ng stress at lamig
sa katawan hindi yung bugbog na sa puso ang tama.
Hayy…bat ang dami kong hugot lately.
Nakatulog ako grabe ang sarap, and even my family enjoyed it. At maya maya nagkayayaan
nang kumaen, At ready na din yung pinareserve naming table sa resto ni Mica.
At sabi niya sakto ang punta namin kasi may Band daw ngayon na natugtog dun.
Kaya agad din kaming nagtungo sa restaurant na iyon.
And after 1hour and 30mins. Finally, nandito na kami sa resto at sinalubong agad kami ni Mica.
Umupo na kami at kumaen, Nagkamustahan, Chikahan, Tawanan.