My Hot Tutor (Kabanata-1)

4106 Words
A.N: R-18 stand alone story. (Beware 'cause too many errors inside. You're not oblige to read this.) All Right Reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, mimeographing or by any information retrieval system, is forbidden without the author's permission. This is work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. © May 14, 2016 - --- Creepy... Humikab ako habang kinukusot ang mga mata pababa sa baitang ng hagdanan, patungong kusina. Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik ng buong bahay. Nasaan ang mga maiingay kong pinsan? Mga kapatid? Si Mama at Papa? Umalis ba sila? 'Tsaka ko lang napagtanto nang dinilat ko ng tuluyan ang mga mata kong naka-half close pa. I sighed. Nasa isang apartment pala ako sa siyudad na ito! Binuksan ko ang ref 'tsaka nag-salin ng tubig sa baso, at habang iniinom iyon ay nilibot ko ng tingin ang buong apartment. Maganda ito kasing laki lang ng bahay namin sa probinsiya. Pero mas maganda ang mga desinyo nito kumpara sa bahay namin. Puting tiles, nara na lamesa, kulay mahogany na silya, mag­andang puting sofa, cr, kuwarto at kusina.­.. Wait. I think there's something wrong. Agad kong hinanap sa phonebook ang numero ni Tara. Hindi ko pa sinubukang tawagan ang dalawa naming kaibigan simula ng dumating ako dito. Marahil ay ibinalita na iyon ni Tara sa kanila. Hindi na ako magtataka doon. "Oh, Yanny, napatawag ka? Kamusta? Okay ka na ba sa bagong apartment mo?" Tamara asked me. "Tamara, dinadaya mo ba ako?" sabi ko, nakataas ang kanang kilay. "What? Daya? Saan?" Gulat niyang tanong sa kabilang linya. "You said, mababang presyo lang ang napagkasunduan ninyo ng may-ari dito? Bakit ang gaganda ng mga gamit---" "Ah, si Joe." she said, yawning. "Who's Joe?" Kumunot ang noo ko. At nagmartsa papuntang sofa at umupo doon. "Sabi niya tutal kaibigan naman daw kita kaya pagbibigyan na lang daw niya ako. Kakaalis lang din ng umupa diyan noong last week at kaysa naman sa walang tao diyan e, di sige pumayag na siya basta maganda lang daw makitungo." Dagdag pa niya. Napa face palm ako. Nakakahiya. But why I feel that? Magbabayad naman ako, ah? I sighed. "Thank you, Tam. Magkano nga ulit?" "10k sana. Alam mo na may crush din sa'yo iyon kaya puwedeng libre na." she laughed. I frowned. Hindi ko pa nakikita iyong Joe na sinasabi niya nang lumipat ako dito. Kaya impossible ang sinasabi nito. "Tara!" Tumigil siya sa pag-sigaw ko. "Ito naman hindi na mabiro. 7k a month, Yanny. Don't you worry tutulungan naman kita e..." she said and sighed after. "No." umiling ako, considering that maybe she's in front of me now and see me saying these words to her. "Kaya ko naman ito... but thanks for helping me, Tam, you know I owe you a lot for this... kahit na nakakahiya na sa'yo..." "Nah. Maliit na bagay lang..." Nang magpaalam ay binaba ko na ang tawag. Bumuga ako ng hangin saka sinimulan ang routine ng buhay ko. Day passed, naging busy ako sa pagliligpit ng mga gamit sa bago kong titirahan. Napakinabangan ko din si Tara sa pagtulong sa akin. Ngayon ay mas lalo lang akong naiingganyong mag-aral ng independent para sa mga magulang ko at dalawang kapatid. I sighed softly at that thought. Kamusta na kaya sila? Agad ko namang kinuha ang cellphone ko na katabi lang ng unan ko at nag-dial. "Hello, Ate?" boses ni Nica ang nasa kabilang linya, ang bunso kong kapatid na babae. At mukhang siya ang nakasagot ng tawag ko. "Hello baby kamusta? Si Papa at Mama?" tanong ko. "Ma! Pa! si Ate po tumatawag." "Si Yanny ba iyan bunso? Akin na..." si Mama. "Hello, nak? Kamusta ka na riyan?" "Ma, okay lang po ako. Kayo diyan? Namimis ko na po kayo..." My voice cracked, ngunit pinipigilan ko kahit ang hirap kontrolin ng emosyong nagbabadya sa nagdaang araw. "Okay lang kami nak, ito si Papa mo at Josh gusto kang makausap." Dinig kong nag-uunahan pa sila kung sino ang unang kakausap sa akin. Napangiti ako sa kanila. "Hello Yanny? Anak kamusta ka na? Okay ka lang ba diyan? Saan ka nakatira ngayon?" si Papa. Napapangiti ako lalo habang nakikinig sa mga tanong ni Papa. How I wish that they're here now... "Pa naman! Dapat nga e, ako itong nangungumusta sa inyo kasi namimis ko na nga po kayo!" "Ay naku-naku... pagpasensiyahan mo na itong si Papa mo dahil nag-aalala lang iyan..." singit ni Mama. Alam kong naka-loudspeaker ito ngayon dahil nag-eecho medyo ang aking boses. "Pa, okay lang po ako dito tinutulungan ako ni Tara. Ibibigay ko po ang address kung baka sakaling pumunta kayo dito..." "Naku! e, Anak masyadong mahal ang pamasahe pupuntang Manila..." Rinig ko ang namamaos na boses ni Papa ngayon dahil nawala na iyong pag-eecho sa kabilang linya. "Pa, naman. Hahanapan ko ng paraan iyan. Kayo ni Mama isama niyo na din si Josh at Nica." "Yanny, nak. Hindi puwede iyon at saka masyadong mahal ang pamasahe." Bumuntong-hininga ako kung tama ba itong mga sinasabi ko sa kanila. Nasanay akong palagi silang malapit sa akin. Huminga ako ng malalim bago uli nagsalita. "Okay, Mama. Si Papa bakit po namamaos ang boses?" Iniba ko nalang ang usapan. "Ayos lang po ba talaga kayo riyan?" "Dahil sa init siguro ng panahon ito, Yanny." si Papa na ang sumagot. "Huwag kang mag-aalala palagi ko namang iniinom iyong gamot na binibili ng mama mo sa botika." "Mabuti iyon, Pa..." I sighed in relief. "Maghahanap na din ako ng sidelines dito para naman may maitulong ako sa inyo habang nag-aaral ako dito..." "Hindi na anak! Mag-focus ka lang diyan. 'Tsaka kaya na namin dito huwag mo na kaming masyadong alalahanin." ani Mama. Ngumiti ako na may halong lungkot. Sana nga po, Ma... ganoon pero hindi ko kaya lalo pa na ngayon ay malayo kayo sa akin... "Palagi kayong mag-iingat diyan. Ganoon din po ako dito..." I said as a goodbye. Humina rin ang tono ng boses ko sa huling sinabi. "Okay nak... basta ba'y mag-iingat ka lang diyan palagi. Mahal ka namin." si Mama uli. "Mahal ko din po kayo..." 'tsaka ko na tuluyang ibinaba ang tawag, napatitig nalang sa kawalan. Maganda sa probinsiya. Magaan sa pakiramdam ang hangin doon. Marahil nakakapanibago lang sa siyudad dahil nandito ako at malayo sa kanila. Nagsikap ako nang makuha ako bilang scholar ng aming mahal na Mayor at isa ako sa mapalad na pumasa sa exam, kaya nandito ako ngayon. Siguro ay may tiwala sila sa kakahayan ko. Kaya naman gagamitin ko iyon sa magandang paraan. Paraan na magagamit ko para may matutunan ang aking mga tuturuan balang araw... Well, nothing is impossible. If you want to be a successful person then, always try. Don't mind your failure. Instead, focus on what you're doing. Para marami ka pang matutunan sa buhay. Nakalipas ang tatlong araw nang nagpasya na akong pumunta sa isang sikat na university sa Pasay. Naisipan ko nang mag-enroll dahil ayaw kong may sinasayang na oras. Ganoon ako kahit noon pa. "Miss, nasaan 'yong Registrar Office?" tanong ko sa nakasalubong kong medyo matabang babae at may salamin na malaki sa mga mata. "Nasa second floor." sabi niya at agad na umalis. "Weird..." bulong kong sabi. "Thank you." Habol ko naman ang huling salita dahil medyo nakalayo-layo na siya. Paglingon ko ay muntikan pa akong matumba dahil sa mga nakabanggaan kong babae na panay ang takbo sa hindi ko malamang dahilan. "s**t!" Mura ng isa sa kanila. Nakataas rin noong tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, sinusuri ata ako. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw ng kulot at kasing tangkad kong babae. "S-sorry." "Tabi nga!" Itinulak naman ako ng matangkad at magandang babaeng kasama nila. Napaatras naman ako sa gulat dahil sa rahas ng pagtulak niya. Abat! Sobra na, ah? Susugurin ko na sana siya ngunit pinigilan naman ako no'ng mukhang nerd kanina, I furrowed. "Why?" I asked, irritatingly. "Huwag na, Miss, at baka mapano ka lang. Mahirap kalaban si Samantha." Aniya na kinapagtaka ko naman. "Who is Samantha? Siya ba iyong tumulak sa akin?" I asked, medyo inayos ang sarili. Naghihintay rin ako ng sagot. Nakatingin lang ako sa epic-face ng nerd na nasa harapan ko. Umalis din siya at hindi man lang sinagot ang aking tanong. At kung bakit ganoon nalang ang nasabi niya'y hindi ko tanto. Nilingon ko na lang uli ang daan papuntang registrar office na tinuro sa akin no'ng nerd. I don't know what's her real name but time will come, malalaman ko rin. Hindi ko din natanong sa kanya kaya iyon nalang muna na "nerd" ang itatawag ko sa kanya. Umakyat na ako dahil nasa second floor ang registrar. Luminga rin ako sa paligid, natatakot na baka makasalubong na naman ang mga babaeng iyon. Nasaan na ba si Tara, Maggy, at Dana? Akala ko ay ngayon kami magkita-kita at sabay na magpapa-enroll? O baka nauna na sila sa akin? Iniwan nalang ako? I sighed giggly at that. Isa pa iyong mga iyon may mga naka-laang duties and responsibilities sa buhay pero hindi ko masabi kung ano, dahil may mga kaya naman sila. "New girl." "Baguhan?" "Taga province ata?" "Transferee from where?" Papalapit na ako sa registrar office nang marinig ko ang mga bulong-bulungang iyon. Hindi naman ako bulag at bingi, dahil sa akin sila nakatutok. Nilingon ko sila paisa-isa. Napa 'O' pa ang mga bibig nila. Kumunot-noo naman ako dahil roon. Lumingon na rin ako sa aking likuran, kuryuso kung anong meron. "Umalis. Ka." "Huh?" tumaas ang kanang kilay ko. "Bingi ka ba, Miss?" sabi no'ng isang babaeng naka-ponytail ang mahabang buhok. "Cass, buti ka pa dinig na dinig mo, ano?" Tumawa ang ilan at ang iba naman ay umiiling at may umaalis din dahil sa sagot ng isang lalaki sa babaeng nasa harapan ko. Ngayon ko lang napagtanto na nakaharang pala ako sa may hagdanan, napaatras ako ng kunti. "Now, you know." anang Cass. Who is she? Isa din ba siya sa mga membro no'ng tumatakbong grupo ng mga babae kanina? Napangiwi ako nang inakbayan siya ng lalaking nagsabi sa akin na umalis ako ngunit sa akin pa rin nakatingin. O nag-i-illussion lang ba ako dito? Ipinilig ko ang aking ulo at umiwas nalang ng tingin nang napagtanto ko uli na nakatitig na pala ako sa kanya. May kung anong kuryenteng bumalot paakyat tungo sa katawan ko at nakikiliti ako ng mga titig niyang iyon. Creepy! Ngumiti 'yong matangkad at chinitong kasama no'ng lalaking nakasandal sa pader na umeksena ng sagot kanina. "Math, she's beautiful, right?" dinig ko kahit bulong lang iyon. "Paul, tumigil ka." saway naman no'ng isa. Pumunta na lang ako sa registrar at kumuha ng form para agad na fill-apan ang bawat nakalagay roon at para makakuha na ng class schedule sa araw na iyon. At nang matapos na ay saka pa ako umalis. Buti nalang at full scholar ako kung hindi ay hindi ko kaya ang tuition fee sa unibersidad na ito! Paalis na ako nang sinulyapan ko uli ang lalaking iyon kanina. Nakakunot-noong nakatitig na naman ito sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil doon, anong problema niya? I saw the dark and cold on his eyes, too, maybe he's angry or what. He has a mysterious look. Red heart shaped lips... and of course handsome face. Exactly, almost perfect to be a wild prince... in my big but simple dreams. Iyong tipong pinagpala siya ngunit may side na ang bigat... I don't know. Or, I think that's one of my illusion. Pinilig ko ang aking ulo at umiwas ng tingin. Dahil ito sa mga nababasa kong romance, e! Half run ako nang tuluyan ng nakalabas sa gate ng university at nang malapit na ako sa paradahan ng sasakyan ay doon ko naman uli naalala 'yong mga kaibigan ko na dapat ay magkikita-kita pala kami ngayon! "Oh, s**t!" natutop ko ang bibig. Sinubukan kong kuntakin si Tara ngunit naka-off naman ang cellphone nito at ganoon din naman si Dana. At nang si Maggy na, mukhang siya nalang talaga 'yong mukhang available dahil agad naman din niyang sinagot ang tawag ko. "Hello, Maggy? Where are you? Kanina ko pa kayo hinahanap dito sa school at bakit wala pa kayo?" sunod-sunod kong tanong. Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya. "I'm sorry, Yanny, nasa bakasyon pa siguro si Dana with her family. Alam mo na it's complicated... at si Tamara naman ay nasa boutique pa yata ng Mommy niya hanggang ngayon. Alam mo na ang isang iyon kapag nasa tabi niya ang mama niya ay hindi iyon basta-basta aalis. Alam mo na... uhm, complicated din?" Sa ngayon ako na naman ang napabuntong-hininga. Wala akong masyadong alam sa personal na buhay nila, totoo. At hindi rin naman ako nagtatanong dahil ayaw ko din naman na mangialam. Privacy nila iyon. "Naiintindihan ko... pero ikaw? Nasaan ka?" tanong ko habang naglalakad. "Nasa condo---" Namilog ang mga ko at hindi na siya pinatapos magsalita. "What? W-what condo? Kanino naman?" Narinig ko ang halakhak ng isang lalaki marahil ay nakikinig siya at magkalapit lang silang dalawa, kinabahan ako! Knowing that Maggy is aggressive sometimes about men and she's popular to this country... I think... my god! "With a man? Maggy?!" "You know, Kai? Iyong sikat na designer ng Fhm?" "Anong kinalaman no'n?" sabi ko, dahil 'di ko siya maintindihan. "Ugh? Seriously Yanny Guevara 'di mo alam iyon?" Nagtataka ako pero talagang wala akong alam sa ganyan, ah? "Innocenté, girl." sabi no'ng Kai, he sounds really weird now but he's still a boy. Humalakhak naman ang maganda kong kaibigan sa kabila. Tsk! "Maggy!" "Isa iyon sa pinakasikat dito sa Manila, Yanny." Aniya. "Kaya siya nandito kasi I'm Kai's friend so... and he's invited me to do some of his large and popular designs in ramp... at naghahanap siya ng magagandang dilag galing ng probinsiya." I she joking? Ako ba iyong sinasabihan niya? Maybe. Pinagkibit balikat ko lang iyon. Mahilig ako sa libro pero ayaw ko sa mga nakikita ko sa tv lalo na kung p*****n na at lalong ayaw ko ng showbiz. Pakiramdam ko ay sarili ko lang din ang kaaway ko kapag may nakikita o 'di kaya ay nababalitaan kong mga issues ng mga artistang paborito ko. "Nga pala, pauwi na ako, Mag." Pag-iiba ko para matigil na siya sa kakatawa sa kabila. Pumara na rin ako ng taxi at agad naman din akong sumakay nang may huminto sa harap ko. "Manong sa may sm po." "Akala ko ba uuwi?" "Hindi ko pala nasabi na medyo malapit lang 'yong apartment ko sa may sm kaya dun nalang muna ako bababa, tutal malapit maglalakad na lang ako pauwi mamaya. May bibilhin din ako, Mag. Girl things." Ngumiti ako kahit 'di niya iyon nakikita. "Okay keep safe labyah..." labas naman din iyon sa ilong, alam ko. Ngumisi nalang ako. "Okay bye take care, too." Paalam ko na saka binaba ang tawag. Pagkarating ko sa may tapat ng mall ay nagbayad at bumaba na ako. Tumingala ako sa kalakihan ng Sm mall dito sa Pasay. Malapit lang ito sa apartment kaya kahit gabihin ako ng uwe ay ayos lang pero hindi ko iyon gagawin. Pumasok ako sa may boutique kung saan ay kakabukas lang dahil halata iyong dagsaan ng mga tao dito marahil ay may celebrity siguro sa loob. Palipat-lipat ang tingin ko sa mga damit na bagong naka-display sa mannequin. Nahagip ng mga mata ko ang dalawang tao na papasok palang. Lumingon ako doon sakanila. Kilala ko iyong lalaki dahil siya iyong kanina na nasa Registrar Office. What his name again? Math? Pero hindi ko kilala iyong kasama niyang teenager na babae. Nang dumami ang nasa loob ay umupo ako sa may bench. Buti nalang at Malaki-laki din itong boutique kung hindi ay mag stumped kami sa loob. Mukhang sikat ang may-ari nito dahil kung hindi... ay hindi ito dudumugin. Nag-angat ako ng tingin at Tumingin ulit doon sakanila. Hindi ako marunong manuri ng itsura ng isang tao basta ang alam ko ay kung ano ang nakikita ko ay iyon nalang ang totoo para sakin. Kaya lagi akong iniinis ni Maggy at Tara. Saan ko daw namana ang mga mata ko kum bakit kaya ganoon nalang iyong mga reaksyon ko sa mga nakikita ko kahit noon pa sa probinsiya. "Nandito ata siya ngayon." Sabi nong kasama niyang babae. Maybe she's running 14 or 16 bata pa ngunit maganda, matangkad at maganda mag-ayos. Teka? Bakit ba ako nakikinig sakanila? For fates sake yanny nandito ka para bumili. "Hey dude! nandito ka rin pala?" Lumingon ako ulit at nagulat ako sa sarili kong reaksyon. Lumunok ako. Ito iyong lalaki kanina sa may Registrars Office! God damn that look again! Umiwas ako ng tingin dahil nakatingin nadin sa akin iyong mga kasama niya. Aalis ako! Paalis na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko. Oh! great? "Tara?" Gulat kong tanong at itinuro siya. "Teka, aalis ka na ba?" Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang pinagtataka niya ang paglingon dili ko sa mga titig ng lalaking may mabibigat na mga matang nakatingin sa akin ng diritso! "Oo, sana. But... nakita mo ako... a-and teka lang sayo ba itong boutique?" Utal kong sabi. Nakatitig parin siya hanggang ngayon napalunok ako at pakiramdam ko'y pagpapawisan ako ng marami sa sobrang kabado at hindi ko malaman ang dahilan. Why I feel this? I bit my lower lip and sighed. Hinarap ko ulit si Tara. Ngumisi siya sa akin. "Kay Mommy ito at bagong branch." Sabay turo sa Mommy niyang may kausap na bigating customers siguro. "Bakit wala kasa school kanina?" I asked. Habang nakataas ang kanang kilay. Ngumisi siya ulit. "Kasi nga po nandito si Mommy. Hindi ko nabanggit na ngayon iyong opening ng new branch ng boutique niya. Im sorry, Minsan lang ito, yan. So... alam mo na. Bukas nalang siguro ako pa-enroll isasabay ko nalang si Maggy at Dana kung uuwe iyon. Ikaw tapos ka na ba?" Aniya. "Oo. Kaso wala kayo at may mga ginagawa." sabi ko. "Ma'am, Tara." Tawag nong maputing babae at may maiksing buhok. Mukhang secretary ng Mama niya dahil halata sa seksing suot nito. Nilingon ito ni Tara ng nakataas ang kaliwang kilay "Yes, Betty?" "Tawag po kayo ng mommy niyo." Sabi nito. "Okay pakisabi susunod ako... halika yanny may ipakilala ako sayo." Aangal na sana ako ngunit hinila niya iyong dalawang kamay ko. Napadako ang tingin ko sa mga taong nilapitan namin. "Troy. Math, Xen... this is my pretty friend... Yanny Guevara." Naglahad ng kanang kamay iyong dalawa sakanila. Pero... Iyong isang mabibigat ang mga mata lang ang hindi. Tinanggap ko iyon at nakipag-kamay. "I'm Matthew Pascual short for Math." Sabi nong medyo chinito at medyo may pagka-kulot ang buhok. Matangos ang ilong nito, matangkad at masasabi kong gwapo siya. Pero mas gwapo itong katabi niya. What his name again? Uh? Troy? Nahiya ako sa isiping iyon. Ipinilig ko ang ulo ko. Kanina ka pa yanny! Saway ko sa aking iniisip. "I'm Xenon and Xen for short. Math's sister." Ngumiti ako sakanya at ganoon din siya sa akin. She's young and very pretty may pagka-Morena Tulad ng kay Math na Moreno din. Nakita kong nakatingin parin siya sa akin. What's wrong with him? May dumi ba ako sa mukha? "Troy Montenegro." Sa matigas na boses. Kinabigla kong magpakilala siya sa akin at Nanginig ang kanang kamay kong tinanggap ang kamay niyang nakalahad. "Y-anny... Yanny Guevara." Kinurot ko ang kaliwang binti sa sobrang inis na nararamdaman sa sarili ko. Agad niyang kinalas ang kamay niya sa kamay ko at pakiramdam ko'y may mali o, gusto ko pang hawakan ang kamay niya. Really yanny what happened? Bat ka nauutal? May tumikhim sa tabi ko. Its Tara. Nilingon ko siya. "Oh... well, Guys may party iyong Mommy ko sa bahay mamaya at baka gusto niyong pumunta?" Aniya. Ngayon ko lang napag-tantong magka-kilala pala sila. "May gagawin ako mamaya Tara..." Sabi ko at Sumimangot siya sa akin. "Me too." Si Troy. Napatingin ako sakanya pero agad ding nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "Uh, me too. Siyaka may lakad din ako at ihahatid ko na din itong si Xen." Math said. Ngumisi siya sa akin. "Okay, okay, but next time huwag niyo na akong tanggihan, Okay?" Ani Tara at hinarap ako. "Come, ipakilala ko sayo si Mommy." hinila na naman niya iyong kanang kamay ko at nagpatianod nalang din ako. Gusto ko ding umiwas sa mga titig ni Troy. Feeling ko ay sobrang pula na ng pisnge ko and I hate it! "Excuse guys..." Sabay kindat sa tatlo. Ngumiti lang sila at tumango. Lumingon ako ulit at ganoon parin siya titig na titig sa akin. Pinilig ko iyong ulo ko at Umiwas sa titig niya. Siyaka lang ako bumalik sa realidad ng nagsalita si Tara sa tabi ko. "Mommy, meet yanny siya iyong kinukwento ko sayo." Ngumiti iyong mommy niya sa akin. At nakipag-kamay. Tinanggap ko iyon. Talagang sobrang ganda niya at nakikita ko lang siya noon sa mga magazines. Namana ni Tara ang kutis ng Mama niya at hindi halatang may edad na at nasa 40's maybe. But she looks beautiful and sexy. Mistisa. "Hello, yanny..." Sabi ni Tita at ngumiti sa akin. Ganoon di ako. "Hello po Tita." sabi ko sa nahihiyang tono. "Mommy, ayaw niya pong sumama sa party mo." Sumbong nito. Binilog ko iyong mga mata ko sakanya. Tumawa lang ang Mommy niya. "May gagawin---" Pinutol ako ng magaling kong kaibigan. "Boring yanny. Minsan mag-enjoy ka din." Sabi nito. "Pero nakakahiya..." yumuko ako dahil nakaramdam ng hiya. "Don't be shy darling. Welcome ka sa bahay anytime. At gusto ko din makilala ang mga kaibigan ng anak ko." Sabi ni Tita habang ngumingiti sa akin. Kumindat sa akin si Tara. At ngumiti. "Okay po, Tita." Ngumiti ako sakanya. Parang na eexcite akong mas makilala pa ang Mommy ni Tara. 6:30 PM ng nakarating kami sa bahay ng mga Hernandez. Si Tara, Mommy niya. At ako lang sa isang Honda Civic na kulay blue I think bagong moderno ito ng Honda Civic. Si Tara ang nagda-drive niyon. "Nandito na tayo. Welcome yanny." Sabi ni Tita Vicky sa akin. Na Mommy ni Tara. "Miss. V." Agad na may lumapit sakanya na nasa 50's ang edad na babae. Hindi halata sakanya ang pagiging matured. Maganda din siya at social. Kumikinang ang mga mamahalin niyang alahas. Nag-beso ito sa kay Tita. "Amour, kailan ka pa bumalik?" Ngumiti ito at tiningnan kami ni Tara. "Beautiful daughter's..." Sinabi ba niyang kami ni Tara? Umiling ako para sa pagtatama. "Oh! she's yanny... friend of my daughter. Ihja this is Miss. A matalik kong kaibigan..." Pakilala ni Tita Vicky habang tinitingnan ako nong Amour. Ni Head to foot niya ako. Sinusuri marahil ako. Nakaramdam ako ng hiya doon! "Ah! by the way hello... yanny." nakipag-kamay siya sa akin. At ngumiti. Ganoon din ako sakanya. "Hello Darling Tamara. You look so beautiful parang kailan lang e, Ang bata mo pa pero ngayon ay dalaga ka na." sabi nito habang tumatawa. Ngumiti si Tara at nag-beso sa kay Mis Amour. "Nope Tita A. Mag twenty three palang ako. Sisiguruduhin ko na bata parin iyong face ko." Biro ni Tara. Tumawa ito at ganoon din kami. "Pumasok na tayo. I'm sure na gutom na kayo. Mis A... yanny and Tara." Anyaya ni Tita Vicky. Tumango kami at Sumunod sakanila. Maraming tao sa loob ng sala. Maging sa garden at pool nila Tara. Mga businessman. Lahat siguro ng mga kaibigan ni Tita ay nandito. Luminga-linga ako sa loob ng bahay nila Tara dahil first time kong pumunta dito. Maganda ang mga painting sa bahay nila at isa na doon iyong kulay abong mga mata ng isang lalaki at may kulay dilaw na pinag-halong itim sa gilid nito. Marahil simbolo ito ng liwanag at dilim. Maganda din iyong wall at ceiling na may malaking chandelier. Iyong kahabaan ng kurtinang kulay maroon. Kulay puting Sofa maging ang kusina ay maganda Agad na kumalam ang tiyan ko. Napatingin ako kay Tara na nakikipag-usap na ngayon sa isang naka-suits na businessman at mukhang formal. Gusto kong lumapit ngunit nahihiya ako. Si Tita Vicky at Miss. A ay busy din. Napadako ang tingin ko sa babaeng kanina ng nakatingin sa akin. She's familiar. Iyong naka-salubong ko kanina sa school. Uh- Samantha? Ngumiwi siya at umalis. Hindi manlang nag-abalang mag-paalam sa mga nasa tabi niya. Sinundan ko ang bawat yapak niyang patungo sa akin at lumapit sa kinaroroonan nila Tita Vicky. Nag-beso ito at pagkatapos ay niyakap si Miss Amour.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD