Chapter 20 "Day 1- Patagong nag mamasamid sa bawat kilos mo, sa bawat pilantik ng iyong buhok bumabalik ulit ang pag tingin ko sayo. " Pinaabot ni Rico sa Guard ang paper Bag at Litrato ni Maya kasama din ang Binili niyang jacket dito. "Sir hindi po kayo stalker? Baka po kasi mawalan ako ng trabaho sa ginagawa niyo" nangamot ng ulo si Kuya guard at nilabas ni Rico ang Cellphone niya "See? Girlfriend ko yan nag tampo lang kaya sinusuyo ko, o ito sayo nayan basta araw araw seven days mong gagawin ito ha?" Bulong ni Rico dito at inabutan ng isang libo. Sumunod narin ang Guard. Nakita niyang nilapitan si Maya. "Ma'am pinabibigay po.."agad namang umalis guard kaya hindi narin nakapag tanong si Maya dito. Binuksan niya ang Paper bag at lumitaw ang Itim na jacket, nagandahan naman siya dito

