Chapter 22 "After how many years pinag tagpo tagpo ulit tayo ng bangungot natin noon.." banggit ni Henrico. Mag kakasama ang tatlo ngayon, ang mag asawang Ramos at ang ina ni Maya, nasa labas sila ngayon at nag iinuman, para bang nag balik sila sa kabataan nila. "Napaka liit ng mundo ano? Imagine mag kaka batch pala kayo ng asawa ko at kaya pala matind ang galit ni Ella kay Maya dahil sa history.." pag bibiro ng Mommy ni Rico. "Oo Vangie kaya noong nalaman kong pinakasalan ni Malaya si Adam, isa din ako na tutol dito. Mga kabataan ngayon talaga nag mamadali.." kwento ng Ina ni Maya. "Nako gusto ko sanang mag pakasal na agad ang dalawa, para may apo na agad tayo..." banggit ng ina ni Rico, agad naman na nag kasundo ang dalawang ito dahil halos pareho sila ng trip sa buhay. Manghang man

