Almirah Pov Pagdating namin sa ospital ay agad naman inasikaso si mommy ng mga doctor. Habang papunta din kami dito kanina ay may tinawagan si Sebastian dito sa ospital at sinabing salubungin kami kaya siguro naghihintay na ang doctor at nurse ng dumating kami. “What happened to her?" Tanong ng doctor habang nakatingin kay Sebastian. “Nag uusap lang kami kanina ng biglang na lang siya napabhawak sa dibdib niya at hinimatay.” Sagot ni Sebastian. " I think she's having a heart attack. Gladly at nadala niyo siya agad.” Aniya sa amin sinuri na nila si mommy at may mga test din silang pinagawa. " Almirah can we talk?” Tanong sa akin ni Sebastian habang nasa loob kami ng room ni mommy dito sa hospital. " Para saan pa? Hindi ba at hindi ka rin naman naniniwala? Isa pa tapos na ang lahat ng

