“Hmm" Nagising ako at kinapa ko si Sebastian sa tabi ko pero wala akong nakapa kaya napadilat ang mata. “Asan siya?" Wala sarili na tanong ko ng iikot ko ang mata ko sa loob ng kwarto. Sobrang laki ng kwarto ni Sebastian doble ata ang laki nito sa room ko. Sino ang makakapagsabi na ang dating minamaliit ng daddy ko ay sobrang yaman. Sino nga ba ang mag aakala na yayaman ng ganito si Sebastian. Sabagay sa sobrang talino at sipag niya noon ay hindi nakakapag duda na maabot niya ang kinalalagyan niya. Nakakatawa lang dahil ang minamata ni daddy dati ay siya pa ang nagsalba ng kumpanya at ng university na hindi malugi. Yun nga lang kapalit ng utang ni daddy ay kinuha niya ang university sa amin at ngayon naman ay ang kumpanya. Pero hindi pa rin ako papayag na makuha niya ito sa amin. Bumang

