Sebastian Pov Kanina pa ako patingin tingin sa cellphone ko at sinisilip kung nag reply na ba sa akin si Almirah. Mula kasi ng mag hiwalay kami at ihatid ko siya sa labas ng gate ng subdivision nila ay hindi pa siya nag text sa akin kung naka uwi na ba siya sa kanila at kung napagalitan siya ng daddy niya dahil ginabi na siya. Sinubukan ko rin tawagan ang cellphone niya pero hindi ko ito makontak at hindi rin siya online kaya hindi siya nagrereply sa mga chat ko sa kanya. “Tol, tinatawag ka ni coach Rey.” Ani sa akin ni Tony sa akin. “Sige tol susunod ako.” Sagot ko at tinago ang cellphone sa bag ko. Mamaya ko na lang ulit siya tawagan baka busy pa siya kaya hindi niya ako magawang replyan o itext. Inayos ko na muna ang gamit ko bago lumabas para puntahan si Couch Rey. “Coach pinatawa

