Sebastian pov Nakahinga ako maayos ng makalabas na si Almirah sa loob aking opisina. 8 taon din mula nung huli naming pagkikita at ang laki na rin ang pinag bago nito mula sa physical na katawan ng dalaga at ganda nito. Pero dalaga pa nga ba ito? Hindi ba at engaged na ito nung naghiwalay silang dalawa dahil mas pinili nito ang kaibigan niya na may kaya kaysa sa kanya. Mapait siyang ngumiti at muling napatitig sa pinto ng opisina niya kung saan labas si Almirah. Napapikit pa siya at muling inamoy ang buong silid. Naiwan kasi doon ang amoy ni Almirah amoy na kinaadikan niya noon pa man sa dalaga. Amoy na nagpabaliw sa kanya. Napangiti pa siya ng maalala niya ang naging eksena nila kanina dito sa loob ng opisina. Alam niya na may epekto pa rin siya sa dalaga dahil sa naging reaksyon nito ka

