Tuwang tuwa ang magulang ni Sebastian ng umuwi ang mga ito at nakita nila ang tricycle na binili ni Sebastian sa kanila. Masaya rin ako na tignan silang pamilya na masaya. Kitang kita sa mga mukha nila na masaya sila kahit na mahirap lang sila at makikita na nagmamahalan sila. Hindi katulad ng pamilya namin na kailangan ay si daddy lang ang kailangan na masunod. “Ang lalim ng iniisip mo." Tanong sa akin ni Sebastian habang kumakain kami ng hapunan. “Wala, natutuwa lang ako sa pamilya niyo. Ang saya niyo kasi tignan." Sagot ko sa kanya. “Ano oras pala kayo aalis bukas?" Biglang singit amin ng nanay ni Sebastian. “Baka pagkatapos na po ng tanghalian nay. Pero sasama pa rin po kami na mag simba sa inyo." Sagot ni Sebastian dito. “Ganun ba? Mabuti naman kung ganun. Ipapadala ko na lang

